5,310 guests

Ai-Ai, ’di nagpakabog kay Lani

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 370
Ai-Ai de las Alas & Lani Misalucha Ai-Ai de las Alas & Lani Misalucha

NAGING matagumpay ang first back-to-back concert ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas at Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na ginanap sa KIA Theater last Saturday, September 17, ang “Ai Meets Lani: Lani may Ai?” produced by Concert Queen Pops Fernandez under her DSL Events and Production House, Inc. na kanyang minana sa kanyang ina, ang dating aktres na si Dulce Lukban.

Bago nagsimula ang concert ay matagal naming nakakuwentuhan ang mommy ni Pops na si Dulce Lukban na napakaganda pa rin hanggang ngayon kahit may apat na apo na ito sa kanyang mga anak na sina Pops, Edwin at Jocelyn.  Tanging sa anak niyang si Joey na lamang siya walang apo dahil hindi pa rin ito nag-aasawa hanggang ngayon.

Natutuwa si Dulce na ipinagpatuloy ng kanyang panganay na anak na si Pops ang pagpu-produce ng mga shows and concerts.

It was in the early 80’s nang itatag ni Dulce ang DSL Productions para i-produce ang mga major concerts ni Pops sa Folk Arts Theater, Araneta Coliseum, ULTRA at maging sa Rizal Football Stadium.

Now, Dulce has retired from concert production.

We almost missed the concert but glad we did dahil nag-enjoy kami nang husto.

Parang opposite poles sina Ai-Ai at Lani na pinagsama sa entablado.  Kilala si Ai-Ai sa pagiging komedyana pati sa kanyang stage performance at si Lani naman ay no doubt na isang world-class singer-performer. Hindi kaya lamunin lamang ni Lani si Ai-Ai pagdating sa performance level?  Ito marahil ang nasa isip ng karamihan ng nanood sa concert.  Pero hindi ganun ang nangyari.  They were both good sa kanilang respective style sa pagpi-perform.  Very entertaining ang “Ai Meets Lani” dahil sa kakaibang entertainment value na hatid ng dalawa.
 
Ai-Ai provided the comic part of the show habang si Lani naman sa kanyang mga beautiful rendition.  Kahit sa mga part na may duet sina Ai-Ai at Lani ay hindi nagpakabog ang una sa huli.
   
Ang ayaw lamang namin kay Ai-Ai ay ang paggamit ng salitang mura on stage kahit ito’y pabiro.  She should consider na may mga bata sa audience.
   
We lost count kung ilang beses nagpalit ng damit si Ai-Ai.  Hindi man siya kasing galing kumanta ni Lani, showgirl talaga si Ai-Ai.  She knows how to hold her audience.  At kitang-kita namin kay Ai-Ai that she missed the concert stage na matagal-tagal din niyang hindi nagawa.
   
Halata ring pinaghandaan nang husto ni Ai-Ai ang concert nila ni Lani dahil nagpapayat siya at napaka-seksi nito ngayon.
   
Kahit may apo na, alaga pa rin ni Lani ang kanyang katawan and she’s definitely an amazing performer on stage.
   
Nakita namin sa audience ang batang nobyo ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan, ang kanyang panganay na anak na si Sancho at girlfriend nito at kahilera naman namin ng upuan ang mag-asawang Julius at Tintin Babao.
   
Nakadagdag naman ng kilig sa audience ang surprise appearance ng Pambansang Bae na si Alden Richards na kinanta ang kanyang hit song na “Wish I May”.
   
Si Floy Quintos ang nagdirek ng “Ai-Ai Meets Lani” with Jimmy Antiporda as musical director.
   
We’d like to thank Pops for providing me and Dr. Jonathan Dizon (of St. Luke’s Medical Center) two VIP seats to the concert.

VINA, NAGHAHANDA SA CONCERT AT LEGAL BATTLE

BY the way, ang DSL Events and Production House din ni Pops ang producer ng upcoming  major birthday concert ni Vina Morales sa KIA Theater on October 14, 2016.  Billed as “Vina@Thirty,” the concert will also mark Vina’s 30th anniversary in the entertainment industry.  Special guests include Gary Valenciano Robin Padilla, Ogie Alcasid, Shaina Magdayao and Daniel Padilla to be directed by Johnny Manahan with Marc Lopez as musical director.
   
May pinagdadaanan man ngayon si Vina sa kanyang personal na buhay na may kinalaman sa legal battle nila ng kanyang ex-boyfriend na si Cedric Lee over their daughter Ceana, Vina is preparing for a one of a kind concert she never did before.

MISTER NA KANO NI PATRICIA, NAHIRAPANG MAG-ADJUST SA BUHAY-PINAS

IT was last year nang mag-desisyon ang mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher na mag-relocate sa Pilipinas from San Diego, California, USA along with their two sons na sina Rob at Ryan James.  It was a major decision laluna sa part ni Dr. Rob Walcher who was born, raised, educated and grew up in his native land – America na iwanan ito para makipagsapalaran sa Pilipinas along with his wife, Patricia at dalawang anak.
   
And he’s glad he made the right decision lalupa’t rare  ang chiropractic practice in the Philippines at pang-34 pa lamang ditto ang mister ni Patricia na si Dr. Walcher unlike sa Amerika na napakarami nila.
   
Last Sunday afternoon (2:30 p.m. to 4 p.m.) ay naging in-studio guest namin ang mag-asawang Dr. Rob at Patricia sa aming lingguhang radio/TV show ni Shalala, ang “Inside Showbiz with Shalala & Aster Amoyo” on DZRJ 810 AM Radio.  Ibinahagi sa amin ng mag-asawa na doing very well ang kanilang itinayong wellness clinic somewhere in Sct. Rallos, Quezon City at marami sa kanila ay mga kilalang personalidad in and out of showbiz.
   
Bukod sa pagiging hands-on ng mag-asawa sa kanilang clinic, nagagawa pa ni Patricia na harapin ang kanyang  showbiz career.
   
Si Patricia ay regular na napapanood sa long-running afternoon TV drama series ng Kapamilya Network, ang  “Doble Kara” na pinagbibidahan ni Julia Montes.
   
Inamin din ni Dr. Walcher na sobra na umano siyang nag-adjust sa kultura at sa pagkaing Pinoy at maging sa matinding traffic sa Metro Manila.
   
Last December, muling nag-renew ng vows ang mag-asawa para sa kanilang 10th anniversary na unang ikinasal sa California in 2005.
   
Isang Christian wedding ceremony ang ginanap sa Azure Urban Resort Residences in Paranaque na dinaluhan ng kanilang respective families and friends.
   
Samantala, sa sobrang guwapo ni Dr. Walcher, payag ba itong mag-artista sa Pilipinas kapag may pagkakataon.
   
“Why not? I’m open to any possibility of being in showbiz too,  just like my wife,” nakangiting pahayag nito.
   
(In fact, lumabas siya sa “Everything About Her” ni Vilma Santos—Ed.)
   
Masayang-masaya naman si Patricia dahil bukod sa narito na sa Pilipinas ang kanyang pamilya at mga kaibigan, naipagpapatuloy niya ang kanyang first love – singing and acting.

SARAH, MAS MATAPANG NA

HINDI man nila sini-share sa publiko kung kelan sila officially na naging mag-sweetheart, Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo are in a relationship for about three years now.
   
Magmula nang maging mag-on sina Sarah at Matteo, naging matapang na ang pop princess na gawin ang maraming bagay na hindi niya ginagawa noon tulad ng sports na siyang hilig ni Matteo
   
Bukod sa mounting climbing, nakita rin ang magkasintahang sa Oslob, Cebu kung saan sila nag-whale shark watching.
   
Atlhough pareho silang busy sa kanilang respective careers, they make it a point na may oras sila para sa isa’t isa on their free time.

BON VOYAGE, AILA

PERSONAL:  Bon voyage to my daughter Aila Marie Reyes who is L.A. bound for week-long vacation.  She’s traveling alone from Tokyo  to L.A. and will meet-up with four of her Japanese girlfriends in Los Angeles, California.
   
Enjoy and have fun!