5,439 guests

Bela, nag-artista dahil kay Juday

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 575

DAHIL pala kay Judy Ann Santos kung bakit nag-artista ang bida ng I America na si Bela Padilla. Ito ang inamin niya sa press during the pocket presscon of  her movie na Cinemalaya entry pero magkakaron ng commercial run sa Sept. 21.

“Si Judy Ann (Santos) po talaga ang reason kung bakit ako nag-artista, para makaeksena ko siya,” pagtatapat ni Bela sa amin.
   
“Nu’ng bata po ako, 13 years old ’ata ako no’n, last day ng Basta’t Kasama Kita nina Tito Robin (Padilla), nando’n po kami. Tapos merong eksena si Miss Judy Ann na... tumatawa siya nu’ng nasa likod nu’ng hindi pa nagte-take. Kitang-kita ko siya, nakikipagkuwentuhan siya noon, tumatawa siya, parang hindi pa siya ready.
   
“Tapos nu’ng , ‘okey, game, 5, 4, 3, 2 ’ pagharap umiyak siya. Sabi ko, ‘paano ’yon?’ Grabe, ang bilis (umiyak). ’Di ba ngayon, merong actor’s cue o sasabihin ng artista kung ready na siya, siya walang actor’s cue, she cued herself.
   
“Medyo nabaliw ako ng very light sa nakita ko sa kanya.  Ang galing, grabe ang bilis umiyak. Ano’ng naisip niya nu’ng moment na ’yon?” takang-takang pahayag ni Bela.
   
Nagulat din si Bela nang makatapat ng pelikula niya ang Kusina ni Juday sa Cinemalaya.
   
“Lahat naman po siyempre ng filmmakers na sumasali sa Cinemalaya, siyempre ang pangarap ay manalo ’yung movie niyo o manalo ka, ’di ba, may ganu’n ka, eh,  na sana, manalo tayo. Tapos nu’ng makita ko ’yung listahan (ng nominees), Nora Aunor, Judy Ann Santos, may chance pa ba? ’Yung totoo?” natatawa niyang kuwento.
   
Pero hindi naman nanalo sina Nora at Judy Ann kundi ang baguhang si Hasmine Killip ng Pamilya Ordinardyo.
   
“Ang gandang wake up call sa akin no’n na ’yung ini-expect mo, hindi naman ’yon din ’yung mangyayari. Imagine, ako sa utak ko parang sure na either Miss Nora Aunor or Miss Judy Ann Santos, tapos nanalo si Hasmine. Ang ganda kasi parang lahat tayo ngayon may chance.”
   
Pabirong nakiusap si Bela na kung puwede ay huwag na lang daw isulat ang pagiging avid fan niya ni Judy Ann dahil nahihiya siya.
   
“Baka kasi sabihin niya, ‘grabe siya.’ Nakakahiya po, huwag n’yo na lang isulat, baka mabasa niya. Ikuwento nyo na lang po na napanood ko siya, hanggang do’n na lang po,” hiyang-hiya niyang pahayag.