4,779 guests

Alex, 9 years ang hinintay bago nagka-launching movie

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 227
Alex Gonzaga Alex Gonzaga

Ayon kay Alex Gonzaga, akala raw niya ay hindi na sila magkakasama ulit ni Joseph Marco pagkatapos nilang gawin ang seryeng Pure Love noong 2014.

“After ng Pure Love, nakita namin na parang okay naman (ang loveteam nila), may followers naman kami. So, parang feeling ko, nang mag-iba kami ng ginawa, tapos ibang-iba talaga kasi ako, parang nag-Inday Bote, tapos siya, nag-Pasion de Amor, so ibang-iba talaga, sexy siya.

“So, parang feeling ko, wala na kaming way para magkatrabaho ulit kasi, parang ibang-iba na ’yung imaging namin.”

Kaya nang dumating daw ang offer sa kanya ng Regal Films at ni Direk Emmanuel dela Cruz para pagsamahin ulit sila sa pelikulang My Rebound Girl, sobrang na-excite raw siya talaga.

“Siguro, talagang will ni Lord, ginamit siya ni Direk Emman and sina Mother Lily na magkatrabaho kami ulit. Kasi ako, sayang din, ’yung nabuo naming chemistry doon sa Pure Love tapos after nu’n, hindi nagka-follow-up or anything,” sey pa ng dalaga.
   
Nine years ding naghintay si Alex para sa biggest break na ito sa big screen kaya natanong siya kung ano ang feeling na Regal Films ang nagbigay nito sa kanya.
   
“Siguro naman, sa lahat ng nag-aartista or pumapasok sa showbiz, gusto nila ’yung opportunity na ganito kalaki. Ako, hindi ko siya talaga ’yung sobrang... ’yung ‘sana, sana dumating na.’ Parang inaantay ko lang na may dumating sa akin and if ukol, bubukol.
   
“So, finally, itong proyektong ito ay dumating and then, nag-push trough at ’eto, nagpe-presscon na kami. Parang hindi pa actually nagsi-sink-in sa akin kasi ayokong isipin na ‘ay grabe,’ kasi pressure masyado but dahil confident naman ako and proud ako sa nagawa namin, so ’yun, hindi ko masyadong iniisip ang pressure and of course, sobrang thankful ako sa Regal kasi sa dami ng artista na pwede nilang piliin sa ibang network or sa network namin, naisip nila ako na i-cast dito,” she said.
   
Showing na ang My Rebound Girl sa Sept. 28.

* * *

Kasabay ng kaarawan ng King of Soul na si Janno Gibbs last Sept. 16 ay ang release sa Spotify ng bago niyang single na Get In On na siya rin ang nag-compose under his label, GMA Records.
   
Ayon kay Janno, the song is a birthday gift hindi lamang para sa sarili kungdi para na rin sa mga supporter niya na nagre-request for a new composition.
   
Country song naman daw this time ang Get In On at aniya, as much as possible ay iniba-iba niya ang genre ng kanyang mga awit dahil gusto niyang maging flexible ang kanyang sound.
   
Minsan ay RnB, minsan naman daw ay medyo rock, pero hindi niya inaalis ang kilig sa kanyang mga komposisyon.
   
Kahit na nga ba lumipat na sa TV5 si Janno, Kapuso pa rin siya as a recording artist and singer. He’s still under contract with GMA Records. That’s why thankful din ang singer na kahit lumipat na siya ng network, maganda pa rin ang relasyon niya with GMA at parang pamilya na rin daw ang turing niya rito.
   
“I personally asked the bosses of GMA if they will still support my album kahit artista ako ngayon ng TV5 and they graciously said yes. So I’m very thankful.
   
“Wala naman recording ang TV5 so, no conflict. Pinapayagan naman kami to guest in any show to promote like si Ogie (Alcasid), ganu’n din,” sey ni Janno sa panayam.
   
Sa ngayon ay available ang digital copy ng Get It On sa Spotify at coming soon na raw sa ITunes, Deezer at iba pang digital store.
   
Kasalukuyan niyang tinatapos ang tatlo pang kanta para makabuo na ng isang album na ire-release rin ng GMA Records.