5,637 guests

Jona, suwerte sa pinaikling screen name

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 763
Jona Jona

MUKHANG suwerte kay Jonalyn Viray ang kanyang bagong screen name nang tanggalin ang `lyn’ sa name niyang Jonalyn at ginawa na lamang Jona.

Ang Star Music umano ang nag-decide na gawing Jona Viray ang kanyang screen name para mukhang bago.

Sandali naming nakakuwentuhan si Jona sa presscon ng `Gabay-Guro’ ngPLDT-Smart Foundation na may kinalaman sa nalalapit na big event para sa mga teachers na gaganapin sa darating na September 25 sa SM MOA Arena.  Isa siya sa mga performer sa nasabing event na tatampukan din nina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Gary Valenciano, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, RegineVelasquez, James Reid at Nadine Lustre at iba pa.

Taong 2005 nang tanghaling kampeon si Jona ng “Pinoy Pop Superstar”  ng GMA at magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging Kapuso.

Nang mawala sa ere ang dating Sunday musical show ng GMA, ang“Sunday All Stars,” maraming Kapuso talents ang na-displace at nawalan ng regular show at kasama na rito si Jona.  Luckily for her, agad siyang kinontrata ngStar Music at siya ang inatasang umawit ng theme song ng now-defunct afternoon TV series nina Pokwang at Melai Cantiveros, ang “We Will Survive”.  Since then nagtuluy-tuloy na ang magandang takbo ng singing career ni Jona na mainstay nangayon sa long-running Sunday musical show ng ABS-CBN, ang “ASAP”.

Si Jona rin ang nag-interpret ng awiting “Maghihintay Ako” sa nakaraang“Himig Handog” at ang nasabing awitin ay nominated sa “Song of the Year” ng Star Awards for Music ng PMPC.

JOHN LLOYD, NABABADUYAN SA TSISMIS SA KANILA NI MAJA

ANO kaya ang pakiramdam ni Maja Salvador nang sabihin ni John Lloyd Cruz na nababaduyan umano siya (John) sa pagli-link sa kanilang dalawa ng media?
   
Magkaibigan sina John Lloyd at Maja at iisa umano ang kanyang handler sa Star Magic kaya hindi kataka-taka na makita silang magkasama sa maraming okasyon pero hindi umano ito nangangahulugan na may romantic angle sa kanilang pagiging magkaibigan.
   
Sina John Lloyd at Maja ay parehong nagmula sa magkahiwalay na break-up.  Si JLC kay Angelica Panganiban early this year at noong isang taon naman nagkahiwalay sina Maja at Gerald Anderson na nali-link naman ngayon sa kanyang ex-GF at co-star sa pelikulang “How To Be Yours” na si Bea Alonzo.
   
Nagsimulang ma-link sina JLC at Maja nang magkasama ang dalawa nadumalo sa premiere night ng “How To Be Yours” at sa isang beach resort sa Davao kung saan sila nagkaroon ng personal appearance.

MATTEO, AYAW NA PINAPAKIALAMAN SILA NI SARAH

AYON kay Matteo Guidicelli, hangga’t maaari ay ayaw nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo na magsama sa isang project dahil gusto nilang mapangalagaan ang kanilang privacy bilang magkasintahan.
   
Parehong busy sa kanilang respective career sina Matteo at Sarah pero hindi umano sila nawawalan ng oras para sa isa’t isa.
   
Samantala, ngayong nakapagbakasyon at nakapag-pahinga na si Sarah sa loob ng dalawang buwan, she’s back in top form at ready na naman umano siyang gumawa ng pelikula.
   
Si Sarah ay huling napanood sa pelikulang “The Break-up Playlist” na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual.  Marami naman ang humihirit ng balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz.

ALEX, EXCITED SA UNANG PAMANGKIN

EXCITED si Alex Gonzaga sa paglabas ng kanyang magiging unang pamangkin sa nakatatanda niyang kapatid na si Toni Gonzaga. 
   
Of course, hindi lamang si Alex ang excited kundi maging ang mag-asawangToni at Paul Soriano maging ang parents nina Toni at Alex sa kanilang magiging unang apo na isang baby boy.
   
Samantala, natutuwa si Alex na balik ang tambalan nila ni Joseph Marco sa pelikulang “My Rebound Girl” ng Regal Films.   Ang dalawa ay unang nagtambal sa panghapong serye ng ABS-CBN, ang “Pure Love” kung saan nabuo ang closeness nila.
   
Ayaw mag-assume ni Alex na nanliligaw sa kanya si Joseph kahit niregaluhan siya nito ng bracelet last February. Kapag umakyat na raw ng ligaw sa kanilang bahay si Joseph, doon lamang daw niya masasabi na nagliligaw ito sa kanya.

BELA, ARTISTA NA SCRIPTWRITER PA

MASAYA ang Viva actress na si Bela Padilla sa naging box office result ng pelikulang “Camp Sawi”.  And fresh from the success of the movie, here comes another movie ni Bela, ang “I America” mula sa panulat at direksiyon ng baguhangdirector na si Ivan Adrew Payawal.
   
Ang “I America” ay jointly produced ng The Idea First Company at Eight Films at ipamamahagi ng Viva Films.
   
Role ng isang GI baby ang ginampanan ni Bela sa “I America” who is in search ng kanyang biological father and her own real identity.
   
Ang “I America” ay first indie movie ni Bela na napasama sa Cinemalaya Film Festival.
   
“Actually, when the project was presented to me ay nag-yes ako kaagad kahit hindi ko pa nasasabi sa Viva (her management company),” natatawa niyang pahayag sa mini-presscon ng “I America” na ginanap sa boardroom ng Viva office kamakailan lang.
   
Inamin ni Bela na dream niyang makatrabaho balang araw ang kanyang idol na si Judy Ann Santos.  Si Juday umano ang naging inspirasyon ni Bela kung bakit niya pinasok ang pag-aartista dahil sobra umano niya itong hinahangaan sa larangan ng pag-arte.
   
When not busy sa kanyang mga showbiz commitments, nasa bahay lamang umano siya at nagsusulat ng stories and scripts.