4,928 guests

Duterte at Piñol, kakampi ng mga magsasaka at mangingisda

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 320

BAGO ang lahat, binabati muna natin si kaibigang Marlon Alameda, ang bagong talagang officer-in-charge director ng Enforcement and Security Service Group ng Bureau of Customs. Matagal na nating kaibigan si Marlon kaya alam natin ang kalidad ng trabaho nito. 

Kapag talaga may sipag, tiyaga at dedikasyon sa tungkulin, siguradong may kaakibat na tagumpay. 

Iyon nga lang, kailangan lalo pang pag-ibayuhin ni kaibigang  Marlon ang trabaho dahil mas mabigat ang nakaatang na responsibilidad sa balikat niya ngayon.
   
Mabuhay ka Marlon!

* * *   

Habang papalapit ang katapusan ng taon, malamang na nakakaramdam na ng kakaibang pressure ang Bureau of Customs (BoC).
   
Malabo na kasing maabot ng mga taga-BoC ang kanilang collection target sa 2016.
   
Pero para sa atin, hindi sila dapat mataranta, alam naman ng lahat na napaka-unrealistic ng revenue collection target na iniatang sa ahensiya.

Kahit pa maglagay ng limang BoC chief ay wala silang magagawa. Ang mabuti pa ay huwag  na nila itong pansinin at mag-concentrate na lang sa kanilang trabaho.
   
Ang mahalaga ay makalikom sila ng pera para maidagdag sa mga pangangailangan ng gobyerno.
   
Sana nga lang, sa susunod na taon ay maging kapani-paniwala at makatotohanan na ang revenue target collection na iaatang sa BoC. Kahiya-hiya ang inaabot ng nga taga-Customs.
   
Akala tuloy ng marami nating kababayan ay pulos mga tamad, magnanakaw at tiwali ang mga opisyal at kawani ng nasabing ahensiya.
   
Ang hindi nila alam, ang laki ng koleksyon ng BoC ay depende sa volume at value ng mga dumarating na importasyon.
   
Mabuti na rin ang ginagawa ng mga taga-BoC na tahimik na lang na nagtatrabaho. Hindi sila nakikisawsaw sa kung anu-anong isyu.
   
Ito ang maganda kung hindi politiko ang namumuno sa isang ahensiya.
   
Hindi marunong ng grandstanding.
   
Tama ba, Commissioner Nic Faeldon?

* * * 

Iba ngayon ang pakiramdam ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
   
Pakiramdam nila, nakakita sila ng kakampi sa katauhan nina Pangulong Duterte at Agriculture Secretary Manny Piñol.
   
Sa katunayan, pati asawa at anak ng mga magsasaka at mangingisda ay aktibong sumasama sa mga aktibidad ng Department of Agriculture.
   
Ibang sigla ang ipinapakita nila para tulungan si Secretary Pinol.
   
Pagkatapos na magretiro bilang sportswriter, nag-fulltime na magsasaka si Piñol sa North Cotabato. Naging gobernador din siya sa North Cotabato.

* * *   

Ibang klase talaga ang takbo ng politika, lalo na sa mga kanayunan.
   
Ayon sa ating miron, hindi daw niya malaman kung matatawa o maiinis sa mga nangyayari kaugnay ng pagkansela ng barangay at SK elections.
   
Nang malamang hindi matutuloy ang barangay at SK elections sa Oktubre ay bigla daw naging maramot ang dati’y akala mo mga matulunging tao.
   
Ngayon daw ay hindi mo na mahagilap ang mga ito. Ang kawawa daw dito ay ang mga lider-lideran na may kailangan din pala sa mga dati’y kinakalabang opisyal ng barangay.
   
Ang kakapal ng mukha.
   
Tsk tsk tsk.

* * *

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0921)4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).