5,003 guests

Hatakin din ang mga kotse ng pulis sa Crame

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 243

SANA nga ay maging epektibo ang programa ng labor department na magkapare-pareho na ang minimum wage sa buong bansa para hindi na nagsisiksikan ang tao dito sa Metro Manila.

Masyadong dehado ang mga nasa probinsiya pagdating sa suweldo kumpara sa NCR wage earners kaya marami ang nakikipagsapalaran makaalis lang sa kanilang mga kanayunan.
   
Malayo nga naman ang P491 daily wage sa Metro Manila sa P150 hanggang P250 na suweldo ng mga nasa lalawigan.
   
Pero siyempre, maliit pa rin ang P491 daily para mabuhay ka nang maayos-ayos, lalo na kung apat hanggang lima kayo sa bahay. Ano pa kaya ang P250 sa mga rural area?
   
Sana lang ito na ang formula na hihimok sa marami nating mga kababayan na magbalik promdi na sila kaysa naman nagiging squatters dito sa kalunsuran.

* * *
   
Nabiktima si Transportation Secretary Art Tugade ng reckless news reporting.
   
Lumabas ang balitang “state of mind” lamang ang traffic na siya ang quoted sa news gayong wala palang ganoong istorya.
   
Alam nating malabong magmula kay Tugade ang pahayag na “nasa isip” lamang ng publiko ang problema sa trapiko dahil agresibo nga silang humihingi ng emergency/special powers para ito ay resolbahin.

* * *
   
Susunod na ang kampanya laban sa illegal gambling kapag hindi na busy si General Bato sa problema sa droga.
   
Nagbabalak pa namang maging gambling lord ang isang tycoon na nakikiusap kay A-A na gamitin siyang front sa jueteng at loterya ng bayan pero mukhang mapupurnada pa ’ata.
   
Pero sana, maisipan din ni General Bato na madagdagan ang operational budget ng mga presinto dahil kapag nawalis ang illegal gambling, baka mas mahirap para sa mga pulis na makakilos.
   
Kunsabagay, kapag naging equal ang distribution ng budget ng PNP mula sa Crame pababa hanggang sa mga istasyon ay hindi na nila kakailanganin pang sumandal sa mga gambling lord na matagal nang practice.

* * *
   
Speaking of Crame, marami pa rin tayong natatanggap na reklamo mula sa ating mga kababayan na walang maparadahan sa kampo kapag may transaksiyon sila.
   
Sana lang maisama sa agenda ni General Bato na palayasin na rin ang mga personal car ng mga pulis sa kampo na maghapo’t magdamag nakaparada sa harap ng kani-kanilang tanggapan.
   
Kung ayaw alisin ng mga pulis ang kanilang mga sasakyan, ipahatak na rin natin sa LTO pa­puntang Tarlac at doon na nila i-impound para may maparadahan naman ang mga kababayan natin na may official business sa kampo.
   
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.