4,868 guests

Cryptic

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 549

Kris: Bagong bahay, bagong network

Lalong tumitindi ang pakiusap at panawagan kay Kris Aquino ng followers niya sa Instagram (IG) na ’wag siyang umalis sa ABS-CBN at ’wag lilipat sa GMA-7 dahil sa tatlong magkakasunod na cryptic posts niya na feeling ng kanyang followers ay patungkol sa pag-alis niya sa Kapamilya Network at paglipat sa Kapuso channel.
   
Ang unang post ni Kris  na “New Life Loading,” sinundan ng “I Am Currently Under Construction. Thank You For Your Patience” at ang latest ay, “It’s okay to be scared. Being scared means your’re about to do something really, really brave.”
   
Binigyan ng meaning ng followers ni Kris ang mga pinost ng TV host-actress at ang dating sa majority sa kanila ay tuloy na nga ang pag-alis ni Kris sa ABS-CBN para lumipat sa GMA-7.
   
May mga nagba-bye na sa kanya at nag-sorry na ’di na siya mapapanood dahil solid Kapamilya raw sila.
   
Pero marami rin ang nagwe-welcome sa kanya sa GMA-7 at nangakong suportado pa rin nila ito kahit saang network man siya mapanood.
   
Samantala, nakalipat na si Kris sa condo na titirahan nila nina Josh at Bimby for nine months habang under construction pa ang bagong bahay.

Sabi ng isang fan, hindi lang pala bahay ang mababago kay Kris, pati network.

* * *

Maganda ang feedback sa pilot episode ng Someone to Watch Over Me at nagulat ang viewers na may chemistry sina Tom Rodriguez at Lovi Poe.
   
Papasa silang real-life couple lalo na sa mga susunod na episode. Big factor dito si Direk Maryo J. delos Reyes na dini-demand sa cast niya ang organic at hindi fake acting.
   
Sabi ni Lovi sa social media account niya, “Napakalaking pasasalamat ko na ipinagkatiwala sa ’kin ang role na ito.”
   
Ginagampanan niya ang karakter ni Joanna Mercado at si Tom ay si TJ Chavez.
   
Sampu lang ang main cast ng teleserye, isa ito sa may maliit na cast sa soap ng GMA-7 at challenge ito kay Direk Maryo.
   
Ang dami pang aabangang mga eksena na magpapakilig, magpapatawa at magpapaiyak sa viewers.        
   
Bukod sa Someone to Watch Over Me, mapapanood din si Lovi sa Regal Films movie na The Escort at mas matindi ang kissing scene at bed scene niya kina Derek Ramsay at Christopher de Leon.
   
Mabuti at walang magseselos na BF si Lovi.

* * *

Na-disapprove ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng trailer ng short film na TheRapist.
   
May commercial release sana ang movie sa November 2 at kailangan mapanood ang trailer nito para malaman ng tao na may ganitong pelikula sa direction ni Diane Ventura.
   
Sumulat ang MTRCB sa Solar Films, local distributor ng movie, at sabi ni MTRCB Chief Eugenio “Toto” Villareal, the trailer is “not for public exhibition” citing “language and scenes depicting sexual activity.”
   
Depensa ni Diane ang pelikula, “I understand how this movie could be misconstrued as conditioning the vile act of rape. But in this film, I’m not talking about the jump-out-of-the-bushes assault of a helpless victim. I’m talking about certain situations wherein a girl actually has the power and capability to get herself out of a possibly precarious situation where she feels uncomfortable and unsettled.”
   
“It’s about female empowerment and not allowing yourself to be put in situations that you do not want to be in or get yourself in a position where your decision-making capabilities are vitiated,” paliwanag ni Diane.
   
Bida sa TheRapist sina Cherie Gil at Jake Cuenca at naging official selection ito sa Cinemanila, World Cinema Festival sa Brazil, Luang Prabang Festival sa Laos at sa International Film Festival Manhattan sa New York.
   
Posible pa ring mapanood ang TheRapist kung papayag ang MTRCB na maipalabas ito ka-back-to-back ng Mulat (Awaken) na dinirihe rin ni Diane.

* * *

Magiging dalawa ang shows nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali every Sunday kapag nag-air na ang Usapang Real Love o URL na papalit sa Conan My Beautician.
   
Sunday din kasi ang Ismol Family ng BiGuel loveteam.
   
Sabagay, hindi ito isyu sa fans nina Miguel at Bianca at matutuwa pang halos magkasunod ang magiging time slot ng dalawang shows. Saka, sa first episode lang naman tampok ang BiGuel loveteam.
   
Involved ang netizens sa URL dahil may chance silang mapanood sa TV kasama ang favorite nilang Kapuso celebrity.
   
Ang gagawin lang nila ay i-like ang Facebook page ng URL at abangan ang posts para sa video challenges.
   
Ang fan na gustong sumali ay kailangang i-video ang sarili na ginagawa ang challenge at ipadala sa Facebook, i-tweet o i-post sa Instagram (IG) at i-tag ang @UsapangRealLove gamit ang hashtag na #MagaFANsin.