4,587 guests

Nainsulto

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 471

Solenn, pinatulan ang basher!

Yen, dating problem child

Hindi pinalampas ni Solenn Heus-saff ang pamba-bash sa kanya ng isang netizen na nang-insulto na wala raw talent si Solenn, ’di nagta-Tagalog at nagtanong pa kung bakit sikat ito? Hirit pa ng basher, bakit nasa Pilipinas si Solenn at bakit hindi siya maging sikat sa France.

“Please stop talking. You don’t know what you are saying. And stop having that white complex. We are ALL the same. And I am also Filipino FYI. My entire life or thoughts DONT have to be posted on social media. Super mababaw that kind of mentality. I DON’T need to post every single thing I say, think, pray or do on social media. Your kind of mentality is really shallow. Ang DON’T call me b—ch, when YOU are the one that’s acting like one.”
   
May kinalaman sa nangyari sa Davao ang pamba-bash kay Solenn dahil bakit daw hindi nag-post ng pakikisimpatiya sa victims sa Davao.
   
Anyway, lumabas ang pagka-Cassiopeia ni Solenn sa kanyang sagot. Hindi lang pala siya sa Encantadia palaban, pati in real life. Go, Solenn!

* * *

Lalabas na this Tuesday ang karakter ni Edu Manzano bilang si Buddy Chavez, ama ni TJ Chavez (Tom Rodriguez). Ang magandang story ng tele-serye ang isa sa mga rason kung bakit muling tumanggap ng soap si Edu. Ayaw na sana niyang gumawa ng soap dahil sa mahabang oras sa taping, pero nagbago ang isip niya.
   
Ang birong rason ni Edu ay ang “malaking-malaking pera” (talenf fee) na makukuha niya. Hang-gang November o 16 weeks ang airing ng Someone To Watch Over Me at malaking tf nga ang matatanggap ni Edu.           
   
Samantala, sa day two ng Someone To Watch Over Me, kakantyawan nina Buddy at Cielo (Jackielou Blanco) ang paglalagi ni TJ sa Vigan at sasagutin sila ng anak na ipapakilala sa kanila ang babaing nagugustuhan.
   
Magpu-propose si TJ kay Joanna (Lovi Poe), pero tatakbuhan nito si TJ. Sa payo ni Cess (Frances Makil), hahabulin ni Joanna sa airport si TJ, pero hindi maaabutan. Susunod na sana siya sa Manila nang bigla itong dumating sa bahay nila kasama ang parents para mamanhikan.

* * *

Nang aming makausap sa contract signing niya sa Regal Films bilang Millennial Regal Baby, hindi pa nakukunan ang love scene nina Piolo Pascual at Yen Santos sa Once In A Lifetime. Wala pa siyang idea kung anong klaseng love scene ang gagawin nila, pero feeling nito, kakabahan na naman siya, gaya sa look test nila.
   
Gusto ng press ang pagiging palabati ni Yen sa press at kung makipag-usap, parang matagal na kayong magkakilala. Idagdag pa na maganda siya at magaling umarte, kaya bet siya ng press people for stardom. Hindi nga kami makapaniwala na naging problem child siya noong high school siya sa Nueva Ecija.
   
“Sana nga” ang sagot ni Yen sa sinabi ng mga reporter na malaking tulong sa career niya ang Once In A Lifetime at maging leading lady ni Piolo Pascual sa first movie niya. Idagdag din ang pagkuha sa kanya ng Regal Films.
   
Naalala namin sabi ni Yen na magti-taping na siya ng bagong soap niya sa ABS-CBN, pero bakit may blind item na papalitan siyang leading lady ng show? Bakit kaya?

* * *

Natigil ang pambubuyo ng bashers ni Julie Ane San Jose na lumipat na siya ng network nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA-7. Sabi nito, kahit kailan, hindi niya inisip na lumipat ng istasyon dahil mahal niya ang istasyon at inaalagaan siya.
   
In fact, isa siya sa talent ng network na may maraming shows dahil ’pag nag-airing ang Afternoon Prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, magiging tatlo na ang regular shows niya. May Pepito Manaloto at Sunday PinaSaya pa siya.
   
Bagong release ang album niyang Chasing The Light under GMA Records at sunud-sunod ang concert. May concert series siya sa States this September with Dennis Trillo. Sa November, may concert sila ni Christian Bautista sa Kia Theater. Wala pang details sa concert na marami na ang gustong manood.
   
Ang pinakagustong malaman ng fans ni Julie Anne ay update sa kanila ni Benjamin Alves. Exclusively dating ang dalawa at hindi kami magugulat kung si Benjamin ang maging first boyfriend ni Julie Anne na sabi ni Benjamin, excited nang makilala ng parents niya.