4,560 guests

KathNiel, dedmahan muna ang drama bago magsyuting

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 505

May dalawang mabigat na eksena sa trailer ng Barcelona: A Love Untold sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at ayon sa Teen King, hindi lang ’yun ang heavy scenes nila sa buong pelikula kungdi marami pa.

“Dalawa pa lang ’yun sa mabibigat na eksena,” sabi ni Daniel at nagbirong 300 daw ang mabibigat nilang scenes sa movie.

“Pero ’yung dalawa na ’yun, hindi siya talaga na-ging madali. Hindi siya ’yung basta dadating sa set, tapos alam mo lines mo, ibato mo, hindi ’yun pwede.
   
“Talagang buong araw, hindi kami mag-uusap, alam mo ’yung ganu’n, kasi, wala, eh, mawawala ka kapag kunyari may mabigat kang eksena tapos, naki-pagtawanan ka, hindi mo iniisip ang eksena. Pag-dating mo sa set, wala, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, hindi mo ma-ramdaman ang bigat, siyempre, ganu’n ’yun, eh, kailangan mong mag-prepare du’n sa eksena na ‘yun.
   
“At ’yun, laging ’pag may ganu’n, kailangan muna naming mag-prepare ni Kathryn, kailangan muna naming mag-meeting nila Inang and ang galing ni Inang, ang laking blessing ni Inang dahil pag may eksena kaming ganu’n, ang daming binibigay niyang tools para makatulong mailabas ang emosyon namin,” kwento ni Daniel.
   
Kwento naman ni Kathryn, bago kunan ang eksenang mabigat na napapanod sa trailer, isang buong araw daw talagang dini-depress nila ang kanilang sarili para maramdaman ang scene.
   
“Nakikinig sa malungkot na music, hindi muna nakikipag-usap sa mga tao, para pag nandu’n ka na, ’yung emosyon na kailangan talaga, madali mong maibigay. And ’yun, nag-work talaga,” sey ni Kathryn.
   
Ayon pa kay Kat, kung dati raw ay ilang minutes lang ang preparasyon niya para sa isang eksena, kay Inang daw niya natutunan ang mas matagal na pag-i-internalize.
   
“Ang talagang pinaka-natutunan ko kay Inang sa shooting this whole movie, para magawa mo nang maayos ang isang scene, you have to prepare. ’Pag prepare, hindi ito ’yung prepare na ’yung few minutes before mag-action, kung kinakailangan ’yung preparation na ’yan, days or a night before taking that scene, ’yun talaga,” pahayag naman ni Kathryn.
   
Samantala, sa trailer ay parating nababanggit si Celine na tila ex-girlfriend ng karakter ni Daniel. Kung sino ba talaga ito sa kwento ay ayaw idetalye ng dalawa at panoorin na lang daw ang movie. Pero ang kinumpirma nila, makikita raw sa movie kung sino si Celine kaya panoorin na lang daw ang Barcelona: A Love Untold na showing na sa Sept. 14.

* * *

Nakaka-touch naman ang ipinost ni Arjo Atayde sa kanyang Instagram account last Sunday bilang suporta sa teleserye ng inang si Sylvia Sanchez na The Greatest Love na incidentally ay nagsimula na kahapon sa afternoon slot ng ABS-CBN.
   
Sa kanyang post ay sinabi Arjo kung gaano siya ka-proud sa kanyang ina at kung gaano siya kasaya now that finally ay may sarili na rin itong teleserye. He even thanked the network for giving her mom this chance.
   
“I'm a very proud son and I can't put to words how happy I am for you Ma. Like what you always tell me, God has His plans and ways and here it is for you after 27 years.
   
“Thank you ma for your undying support... this time it's my turn to support you all the way and pray for this show to hit. I love you Ma, I'll always have your back.
   
“Every time I catch the trailer it gets my eyes sweating wondering why I'm even about to cry then I realized its just tears of joy seeing you on screen doing what you love the most. Tomorrow's your day Ma.
   
“To my first love, good luck and again I'm super proud of you. This is it!
   
“Thank you ABS-CBN for giving my mom the chance I am really grateful for the chance you gave my mom. THIS IS IT! Mga Kapamilya, #TheGreatestLove bukas na po 4:30pm :) I love you, Ma!,” ang kabuuan ng post ni Arjo.
   
How sweet, ’di ba naman?