5,306 guests

Paolo, ibinalik na sa ‘Eat Bulaga’

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 479

LUMUTANG na si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga kahapon matapos ang anim na buwang suspen-syon.  Sumalang muna siya sa segment na Juan For All All For Juan habang sinusulat namin ito sa isang barangay sa Pasig City.

Siyempre, iwas na si Pao sa pagiging maldita ngayong nakabalik na siya sa noontime show. Ang hu-wag magmaldita ang natutu-nanan niya sa “bakasyon” sa programa.

Nabanggit ni Allan K ang pagbabalik ni Pao sa huling pag-uusap niya sa press. Ang pag-apir ni Pao sa programa ang kumpir-masyon ng pahayag ni Allan. Sabi pa nga ni AK, “Nobody’s indispensable in Eat Bulaga after 37 years as long as nandiyan ang Tito, Vic and Joey!”
   
Maluwag na rin kasi ang schedule ni Paolo nga-yong tapos na ang kanyang isang movie na Die Beautiful. Tinatapos na rin niya ang isa pang movie na Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.
   
Eh, one good thing na na-achieve ni Pao habang wala pa sa EB ay ang pagpapagawa ng bago niyang bahay, huh!

* * *

BINURA ni Jake Vargas ang inosente at gentleman image sa bagong GMA afternoon series na Oh, My Mama. Change is coming para sa Kapuso actor na nagsimula sa sweetie-sweetie roles at pagkakaroon ng loveteam.
   
Isang member ng sindikato ang role ni Jake na walang kinatatakutang gawin.
   
“Bago po ito sa akin kaya nakakapanibago talaga. Aminado na akong hirap ako sa bago kong character pero masasabi kong handa na ako. Kailangan ko rin namang mag-graduate sa mga teenager roles.
   
“Pero magbabago ako kapag na-meet ko ang character ni Maricel (Inah de Belen),” rason ni Jake.
   
Sinimulan na ni Jake ang pagtulong sa mall shows ng cast ng OMM. Last Sunday ay nasa  SM City San Jose del Monte, Bulacan ang buong cast led by him and Inah kasama sina Jeric Gonzales, Ashley Ortega at Phytos Ramirez.
   
Sa September 23 naman, ipamamalas ni Jake ang talent niya sa pagkanta sa concert na Oh, Boy! sa Music Museum kung saan makakasama niyaa ng Kapuso heartthrobs na sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Derrick Monasterio.