4,674 guests

Napaaga

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 597
Dingdong Dantes Dingdong Dantes

Dahil sa controversy sa Alyas Robin Hood, napaaga ang pagdi-divulge ng role ni Dingdong Dantes para malaman na hindi ito gaya sa role ni Stephen Amell sa Arrow.

Sa statement na inilabas ng GMA-7 VP for Drama na si Redgie Acuña-Magno, ipinaalam na lower-middle class lawyer ang role ni Dingdong.

“Ang Alyas Robin Hood ay malayo sa plot ng Arrow. Ito ay kuwento ng isang lower-middle class lawyer na mapagbibintangan ng isang krimeng hindi niya ginawa.

“Sa kanyang pagharap sa katotohanan, may mga matutulungan din siyang nangangailangan.

“Maraming bersyon na rin daw ng Robin Hood sa iba’t ibang panig ng mundo. Robin Hood has had different reincarnations or versions in different countries.

“In Russia, there’s the short novel on Alexander Pushkin whose Robin Hood character went by the name Black Eagle.
   
“In Brazil, there’s the real-life Limpaio, a true-life Robin Hood whose life is now a biography.
   
“In Japan, a Kabuki adaptation of Robin Hood was successfully mounted with the character of Nezumikozo as the name of the legendary hero.
   
“This is to name only a few. What we are now seeing here is a modern version of Robin Hood, an adaptation of a universal figure made inspirational and relevant to the Filipino audience.”
   
May Pinoy netizen na nagtanong kay Stephen Amell sa FB ng comment nito sa Alyas Robin Hood ng Pilipinas?
   
“I mean... I have no idea what it is and frankly, I don’t care-at-all-either way. But boy, oh, boy does it look familiar,” ang sagot.
 
Sa September 19, na ang pilot ng Alyas Robin Hood, malapit na ang presscon, kaya malalaman natin ang comment ni Dingdong at ni Director Dominic Zapata sa akusasyong ginaya ito sa Arrow.

* * *

Willing si Tom Rodriguez na magpa-drug test bilang suporta sa campaign ni President Rody Duterte na drug-free Philippines at linisin ang bansa natin sa droga.         Ang gusto lang ni Tom, standardized at pare-pareho ang gagawing drug testing para walang magreklamo at walang maging problema.
   
“Of course! I’m very much willing and yes!” ang sagot ni Tom sa ginagawang drug testing ng mga artista.
   
Tingin namin kay Tom, hindi na nito kailangan ng droga para maging hyper.
   
Sa presscon ng Someone to Watch Over Me, hyper na siya at sa interview para sa #Like, kung saan siya ang host, super hyper siya.
   
Nakipag-dance showdown pa si Tom kay Balang na kasama niya sa #Like. Kung si Balang, nag-zumba, si Tom, nag-hip hop at breakdancing pa.
   
To think na wala pa itong tulog dahil galing sa taping ng Someone to Watch..., trabaho ang droga ni Tom, ang motivation na gumaling ang ama sa lung cancer at makaipon para makapagpatayo ng bahay para sa ama na gustong sa Subic na manirahan.
   
Dahil sa sakit ng ama, in favor si Tom na gamiting gamot ang medical marijuana. Malaking tulong sa ama ang medical marijuana para hindi manghina after ng chemo.
     
Kaso bawal itong gamitin sa bansa natin, kaya sa Arizona muna ang ama habang ginagamot at nagpapagaling.
     
Dadalawin ni Tom ang ama sa November after ng pictorial nila sa Cuba ni Lovi Poe at sa Arizona rin siya magki-Christmas at magnu-New Year.
     
Gustong isama ni Tom si Carla Abellana kung libre ang schedule ng GF sa holiday season. 
     
Anyway, mapapanood na ang #Like mamaya after Eat Bulaga at ang Someone to Watch..., magpa-pilot sa Monday, Sept. 3.
   
Enjoy si Tom sa dalawa niyang show dahil ang isa, host siya at ang isa ay magda-drama siya.

* * *

Kasama na pala sa cast ng Mano Po 7 si Jessy Mendiola at in-announce ito ni Mother Lily Monteverde sa contract signing nina Yen Santos at Devon Seron bilang bagong Millennial Regal Babies.
   
Makakasama ni Jessy sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Kean Cipriano, Enchong Dee, Richard Yap at marami pang iba.
   
Iprinomote na rin nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang September 28 showing ng My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco.
   
Ang next na Regal Films movie na ipalalabas ay ang hinihintay ng marami na The Escort nina Lovi Poe, Derek Ramsay at Christopher de Leon.
   
Ang The Mighty Yaya ni Ai-Ai de las Alas ay ipapasok sa MMFF, kung ’di mapili, early next year na ang playdate nito pati ang Once in a Lifetime nina Piolo Pascual at Yen.

* * *

Hindi komedyante si Joross Gamboa, pero siya ang madalas magpatawa at siya ang mas maraming punchlines sa ibang contestants ng Superstar Duets, ang singing competition na airing this Saturday sa direction ni Bert de Leon.
   
Sa pictorial, taping at presscon pa lang, nagpatawa na si Joross at parang natalo niya ang real comedians na sina Jerald Napoles, Divine Grace at Pekto.
   
Gimik yata ito ni Joross para hindi siya agad maalis sa competition.
   
Si Adele ang ka-duet ni Joross sa first two episodes ng Superstar Duets at ang Rolling in the Deep at Someone Like You ang kinanta.
   
Feeling singer na raw siya dahil laging nagpapraktis at laging may earphone.
   
Epic fail pala ang pagrereto ni Joross kina Sandara Park at Thai actor Mario Maurer dahil nang magkita, sabi raw ni Sandara, wala silang naramdamang spark pareho.
   
Hahanap na lang ng ibang irereto kay Sandara si Joross.