5,440 guests

Jackie, ayaw magpaligaw

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 759
Jackie Ejercito with sisters-in-law Precy & Rowena Ejercito Jackie Ejercito with sisters-in-law Precy & Rowena Ejercito

UMIIWAS si Jackie Ejercito, anak nina Manila Mayor Joseph Estrada at Dr. Loi Ejercito, ’pag nasisimplehan ng tanong tungkol sa kanyang personal life. Hiwalay na kasi siya sa kanyang asawa, pero hindi pa siya tumatanggap ng suitors, huh!

Mas gustong pag-usapan ni Jackie ang kinabibilangan niyang Mare Foundation, Inc. kung saan isa siya sa directors at katuwang ng ina sa pagpapalakad ng adbokasiya ng foundation.

Sa September 7, hahalili na si Jackie kay Senadora Loi bilang chairman ng MARE Foundation.

Nataon pa sa birthday niya ang okasyon at bukod sa panunumpa ng bagong pamunuan, kung saan ang sister-in-law niyang si Precy Ejercito ang siya namang vice chairman, gagawin ang oath taking sa San Andres Stadium sa Malate, Manila, alas-otso ng umaga.

Taong 1996 nang itinatag ni President Joseph Estrada ang foundation.
   
Twenty years na ang ginagawa nilang pagtulong sa pamamagitan ng serbisyo medical sa buong bansa.
   
Bukod dito, meron pa silang livelihood projects, scholarships para sa mga kabataan, artesian well distribution at urban greening program.
   
Sa ngayon, ang isang landmark achievement ng MARE Foundation ay ang pakikipagtulungan sa Manila government para sa operasyon ng Manila Dialysis Center, kung saan nagbibigay sila ng referral.
   
Pero tuloy pa rin ang marami nilang public service programs para sa mahihirap.
   
Nakakakuha man sila ng sponsors tuwing staging ng Miss Manila at Miss Gay Manila, dumarating ang puntong naglalabas din ng pera mula sa sariling bulsa.
   
“Now we have medical missions weekly hindi gaya noon na once a month. May feeding program, libreng gupit, blood chem test, 2D Echo, dental, anti-flu. Libre lahat ’yon at iba pa. We do it on a barangay level. May request from barangay chairmen and we have an assessment. Sa poorest of the poor ang pinupuntahan namin. Meron kaming ocular and we coordinate with barangay/city health hospitals for the doctors,” pahayag ni Jackie.
   
Ready rin silang tumulong kapag may kalamidad at nasa planning stage ang kanilang livelihood dahil naghahanap pa sila ng produkto na mula sa Maynila.         Nakatakda rin silang magsagawa ng spiritual programs.
   
Sa kanyang birthday at panunumpa, magbibigay si Jackie ng wheelchairs, sewing machines at iba pa.         
   
Ang biggest sponsor daw nila ay si Mayor Erap.
   
Anyway, bukod kina Jackie at Precy na manunumpa sa Set. 7, kabilang din ang ilang opisyales na sina Corina Ponce Enrile Yenko, treasurer; Maria Cristina Tantoco Morada, corporate secretary at board of trustees na sina Edward Lavin, Ma. Rowena Ejercito, Gabriel Ma. Lopez, Precy Mathay, Evelyn Carballo at Benita Tanyag.
   
Feeling ni Jackie, siya na ang mamumuno sa MARE Foundation.
   
“It’s scary, I know. Sana naging doctor na lang ako, hahaha!” biro niya.
   
So, ’yung mga taga-Manila, puwede kayong maging bahagi ng oathtaking/lunch ng MARE sa San Andres Complex, Manila.

* * *

KINOPYA ang painting ni Heart Evangelista sa isang bag kaya naman ni-regram ang post ng Kapuso actress (@iamhearte) sa fan page niya ang picture ng bag na kapareho ng pinintahan niya.
   
Sa halip na magalit, nagsabi na lang si Heart ng, “Imitation is the best form of flattery (pati drawing!) I am truly honored! Hehe at dahil diyan, the #CarryYourHeaART exhibit will be at the #volkswagenshowroom.bgcshowroom from 4 to 9 September, 9 a.m. to 5 p.m.
   
“Got this pic from a friend (bag NOT mine… not Hermes also) #Regram.”
   
May umaray sa paggamit ni Heart ng salitang imitation pero ipinagtanggol din siya ng kanyang followers.
   
“She actually finds it funny,” bahagi ng komento ng isang netizen.

* * *

KINAKABAHAN na ang makakatapat na show ni Jennylyn Mercado, ang Superstar Duets, na magsisimula na ngayong gabi after Magpakailanman.
   
Matagal na rin kasing na-miss si Jen sa primetime, eh, hosting naman ang gagawin niya sa SD na birit-tawanan ang dating, huh!
   
Take note na seksing-seksing damit ang suot ni Jen sa bawat episode ng SD. Lutang na lutang pa ang ganda ang kanyang mukha.
   
Bilang hurado, sina Allan K, Aicelle Santos at Christian Bautista ang maglalaglag sa walong celebrity contestants.
   
Bago ang SD, ang episode na The Rape of Rosie,  pagbibidahan ni Joanna Marie Tan, ang mapapanood sa MPK.
   
Tungkol ito sa isang babaing may intellectual disability na ni-rape ng apat na lalaki.