6,392 guests

72 tulak sa QC timbog, kakasuhan

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 262

Kulungan ang bagsak ng 72 katao na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang pagsalakay ng Quezon City Police District sa Bgy. Culiat kamakalawa.

Ayon kay acting QCPD director Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang natu-rang operasyon ay nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga sangkot sa iligal na droga.
   
Kabilang sa mga naa-resto ay 50 lalaki at 17 babae, dalawa nasa 50-53-anyos, na naaktuhan sa isang drug den. Gayundin ang mga menor de edad na nasa 13-17-anyos.
   
Sabi pa ni Eleazar, karamihan sa nadakip ay pawang hindi residente ng Bgy. Culliat at mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karating probinsya ng Rizal at Pampanga. Naroon lamang ang mga ito para sa iligal na droga.
    
Ang naarestong mga suspek na nasa panganga-laga na ng PS-3 ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.