5,481 guests

Iniendorsong ‘pampatigas’ ni Robin, aprub kay Mariel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 5498

“Natuwa po siya, eh. Nung sinabi ko na tungkol ito sa… kasi pagka meron po kasing advocacy natutuwa si Mariel.”

Ito ang sagot ni Robin Padilla  nang tanungin na-min siya kung  ano ang  reaksyon ng asawa niyang si Mariel Padilla sa Bravo food supplement for men na iniendorso niya ngayon na obviously, alam naman natin na pampatigas ng kargada.
   
Patuloy pa ni Robin, “Kasi advocacy po ito talaga.  Pangangailangan ito ng mga lalaking may erectile dysfunction, premature ejaculation. ’Yan po kasi talaga ang karamihang pinagdadaanan ng mga kalalakihan.”
   
Nasubukan na ba niya itong inumin?
   
“Hindi ko pa na-try. Hindi pa. Medyo buntis pa ’yung asawa ko,” natatawa niyang sagot.
   
Pero bago niya raw tanggapin ang offer to endorse ng health supplement ay nag-imbestiga muna siya.
   
“Ito pong Bravo nu’ng unang kinuwento sa akin, siyempre kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat po ng iniendorso ko hindi ko ’yan iiendorso dahil malaki ang bayad sa akin o kailangan ko ng pera, hindi po. Lagi po diyan ’yung makakatulong ba talaga sa tao ’yan. ’Yan ba ay baka magbigay lang ng sakit.
   
“Talagang dumarating po sa punto na ang pagka-lalaki ng isang lalaki ay “nanghihina.” Pero hindi ko pa po naman nararamda-man ’yon… wala pa.”
   
Kasama ni Robin bilang endorser ng Bravo food supplement si Rommel Padilla.
   
Ipinagmalaki din ng actor na sa aspetong sek-swal ay hindi pa rin naman daw siya nakakaramdam ng panghihina na katulad ni Rommel.
   
“Ay hindi naman nabawasan. Nagwawala pa. Kasi magkaiba naman po kami ng sitwasyon ni Kuya Rommel. Si Kuya Rommel po kasi siya ang pinaka-bising tao. Ako naman po ay hindi naman ganu’n ka-busy,” kaswal niyang pahayag.
   
Samantala, kinumpirma ni Robin na sa Amerika manganganak si Marirel na anim na buwan nang buntis ngayon.
     
“Kasi ’yung parents ni Mariel, ’yung kanyang dad, ’yon ang number one na kahilingan. Pangalawa, iba siyempre ’yung pakiramdam niya nakasama niya ’yung pamilya niya. Pati ate niya pupunta do’n, one big family event ’yon.
   
Sasamahan  ba niya ang asawa sa US?
   
“Inaayos pa namin. Sana mabigyan ako ng visa. At saka gusto ko talaga na tahimik ’yung panganganak niya. Malayo muna sa intriga, malayo muna sa… kasi napakadelikado eh,” sagot ni Robin.