6,798 guests

Julia, ayaw madaliin si Coco

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 655

TAHIMIK ang personal na buhay ngayon ni Julia Montes kaya nakakapag-concentrate siya nang husto sa taping ng afternoon  series na Doble Kara na isang taon na  pala ngayong umeere. Wala ring update na ibinigay ang dalaga tungkol sa kanyang lovelife.

“Okay naman po. Masasabi ko naman na tahimik, masaya and blessed na blessed ako sa lahat ng bagay,” sambit pa niya nang dalawin namin sa set ng Doble Kara.

May reaksyon naman siya sa patuloy na nag-aakalang may relasyon sila ni Coco Martin na bida naman sa Ang Probinsyano.
   
“Huwag po nating madaliin. Relax lang po tayo,” natatawa niyang pahayag.
   
Kapansin-pansin na tila pareho ng ginagawa ngayon sina Julia at Coco na sa work lang muna naka-concentrate.
   
“Opo, kasi lalo po ngayon, ang hirap, especially sa part ko na kambal, ang hirap, baka mamaya, maligaw, ma-destruct, so mahirap po, baka mapabayaan ko ’yung dalawang karakter.”
   
Hindi naman itinanggi ng dalaga na madalas pa rin niyang nakaka-text si Coco. Pero  hindi raw totoong dinadalaw siya ng aktor sa bahay kahit magkapitbahay lang sila.
    
Samantala, mas gusto ni Julia ngayon ang sitwasyon na wala siyang permanenteng ka-loveteam.
     
“Masasabi ko lang po, ang swerte ko. Tulad ngayon, may sarili akong ka-loveteam, ang kakambal ko which is ako pa rin. So, wala po akong masyadong iniisip, wala akong masyadong pressure.
   
“And mas siguro, mas nae-explore ko ’yung mga katrabaho dahil marami akong nakaka-partner, lalo na sa show na ito, na per character, may mga ka-partner,” sambit pa niya.

* * *

PATAPOS na ang Tubig at Langis series na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Isabelle Daza at Zanjoe Marudo. Ang dahilan ng medyo napaagang ending nito ay ang pagpapakasal ni Isabelle sa kanyang boyfriend.
   
Ayon kay Cristine, naiintindihan niya kung bakti tila na-cut short ang Tubig at Langis. Hindi rin niya sinisisi si  Isabelle dahil alam niya ang pakiramdam nito na malapit nang ikasal dahi na-experience niya rin ’yon.
   
“Ang sarap kaya ng ganu’ng feeling. Yung ika-kasal ka sa taong mahal mo,” sey pa ni Cristine.
   
Wala pa kaming alam na next project na gagawin ni Cristine sa ABS-CBN after Tubig at Langis.  Wala ring balita kung may gagawin siyang pelikula sa Viva. 
   
With Zanjoe naman na kapareha niya sa TAL, meron itong ginagawang pelikula ngayon sa Star Cinema kasama sina Sam Milby at Angel Locsin under the direction of Jason Paul Laxamana.
   
Eh, is Dionne Monsanto kaya na napansin sa pagkokontrabida niya sa TAL, may mga gagawin din kayang projects?
   
Ang balita kasi namin, dahil effective siya bilang kontrabida, marami pang role ang ibibigay sa kanya ng network. Abangan na lang daw natin ’yon.
   
Bongga naman kung ganu’n, huh!