4,508 guests

Aga, nagulat sa tanong ng bagong writers

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 561

NANIBAGO si Aga Muhlach sa pakikiharap sa press sa presscon ng “Pinoy Boy Band Superstar” kung saan isa siya sa apat na hurado.

Hindi niya akalaing anim na mahahabang taon na rin pala ang lumipas, magmula nang magpapaalam siyang pansamantala para harapin ang hamon ng ibang istasyon.

Hindi na siya sanay na humalik-halik sa mga movie press, lalo na sa mga bloggers with matching picture taking (selfie) on the side. Lalo siya nanggilalas sa mga tanong ng mga bagong movie press na dati’y pangarap lang siyang makita sa personal.
   
Hindi pa rin kasi nagbabago ang charm ni Aga lalo na sa mga kababaihan. Baon-baon niya ito sa paghahanap ng musically talented male teens na bubuo sa kauna-unahang “Pinoy Big Band Superstar”.
   
Naalaala tuloy ni Aga ang mga panahong kasa-kasama niya ang Side A Band sa pagko-concert hindi lamang dito sa ‘Pinas, kundi sa ibang bansa din.
   
Naalaala din niya siyempre nang sa kanilang kasal ni Charlene Gonzales noon sa Baguio ay may ipinatayo silang dalawang stage sa venue. Tig-isa sila ni Richard Gomez sa bumubunghalit ng mga sikat na awitin ng mga sikat na banda sa ‘Pinas.
   
Believe it or not, pero, talagang kinarir ni Aga at ni Richard ang pagiging lead singers ng kani-kanilang banda.
   
Aga is also looking forward to Sandara Park, Yeng Constantino at lalo na si Vice Ganda bilang kasamang hurado with Billy Crawford as host.

SEX ENHANCER, ’DI KAILANGAN NI ROBIN

HINDI pa kailangan ni Robin Padilla na gumamit ng food supplement na tulad ng Bravo. Pero, ang kanyang kuya Rommel Padilla by his own admission ay nakagamit na raw.
   
“Mabagsik,” ani Rommel. “Kaya siguro, mas marami akong anak kaysa kay Robin,” na sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga dumalo sa presscon na ginanap sa White House.
   
Pero, handang-handa na si Robin na ipaliwanag ang kahalagahan ng food supplement sa mga taong gustong magpaligaya ng kani-kanilang mga mahal sa buhay. Actually, ganadung-ganado sina Robin at kuya Rommel niya sa pagtuturo ng kahalagahan ng Bravo dahil para sa kanila ay obligasyon ng mga lalake/ asawa na paligayahin ang kanilang asawa, bukod sa pag-aalaga sa mga ito sa araw-araw nilang buhay.
   
“Buntis ngayon ang asawa ko (Mariel Rodriguez). Kaya, matagal-tagal pa akong magtitiis muna. ‘Yung pagbu-buntis ng asawa ko, walang-wala akong contribution diyan kundi ang paligayahin ko ang sarili ko. Sa kanya lahat ng hirap. Kaya, dadamayan ko siya at hindi muna ako magba-Bravo. Kahit tikim lang,” pangako ni Robin.
   
“Generic din ang inuming ito, kaya, walang side effects at purong-puro,” hirit ni Rommel.
   
Nakalimutan niyang banggitin na kapag uminom nito ay posibleng magkaroon din sila ng isang Daniel Padilla. Basta, may ka-partner silang isang kasing-guwapa ni Karla Estrada.

CHAVIT, ’DI NAKARANAS NG HIRAP

KAHIT kailan, ‘di nakaranas ng hirap ang dating governor ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Singson.
   
Teenager pa lamang ay isa na siyang milyonaryo. Nang umalis ang kanyang pamilya sa Vigan, pinili niyang magpaiwan. Siya ang nag-manage ng kanilang naiwang mga negosyo, tulad ng construction company, mga sinehan, tobacco plantation, funeral parlor at iba pa.
   
Hindi nagtagal, nakabili na rin siya ng sarili niyang electric company, ice plant, bus transportation at radio station.
   
“Kahit kailan, hindi ko ginustong maging politician. Ang talagang gusto ko’y maging matagumpay na businessman,” kuwento niya sa unang pagkakataong makausap namin siya sa kanyang bahay sa Vigan. Kuwentong kalye iyon habang ninanamnam namin ang masasarap na luto sa nagkalat na mga restaurant sa Vigan.
   
“Nang magtapos ako ng kolehiyo sa Lyceum, napilitan akong pasukin ang pulitika dahil sa aking mga magulang, lalo na ang aking ama. Nanalo agad akong no. 1 councilor. At nagtuluy-tuloy na ang buhay pulitiko ko hanggang maging governor ako sa Ilocos Sur sa loob ng 28 taon.
   
Nag-fast forward ang kuwentuhan sa mga mas interesanteng bahagi ng kanyang buhay.
   
“Mas naging masaya ako sa pagbibiyahe na lang na hindi ko nagawa nang nasa pulitika pa ako. My hunting job inspired me to put up a zoo. I bring home souvenirs like elephants, buffalo, rhino, lions, etc. I had all these animals shipped to Baluarte para makita ng mga Pinoy na hindi kayang magbiyahe para makita ang mga ito in the flesh for free.
   
“Tapos na ako sa pulitika, I already relinquished my throne to my children. They are more aggressive, dynamic, idealistic. All I do is support and guide them.”
   
Dumating sa kaalaman ni Manong Chavit na maraming showbiz people ang nangangailangan ng trabaho. Kaya, nakipaghuntahan uli siya sa mga ito sa isang presscon sa Corinthian mansion niya. Napapanahon ito dahil nakahanda na rin siyang magbalik sa pagpo-produce ng pelikula.
   
“Naging maganda ang buhay para sa akin at sa pamilya ko, kaya’t gusto ko namang mag-give back sa mga taong dapat tulungan. Aanhin ko naman ang pera ko, eh, hindi ko naman ‘yan madadala sa hukay. Mabuting ipamigay ko na sa mga taong nangangailangan,” patuloy niya.
   
Bukod sa paggawa ng TV series, isusunod ni Manong Chavit ang  pelikula. Feeling ko ngayon pa lamang ay may napipisil nang “Darling of the Movie Press” ang mga kapatid ko sa hanapbuhay
   
Isa pang makabagbag damdaming project ni Manong Chavit ay nakapag-patulo ng aking luha.
   
Ongoing na kasi ang paghahanap ni Manong Chavit sa buong kapuluan ng isang magsasakang masipag at masinop sa buhay, pero, nanatiling mahirap.
   
Plano ni Manong Chavit na patirahin muna ang mananalo sa isang hotel kung saan matitikman nila ang magbuhay-hari. Magbibiyahe din siya sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas, para makita ang magagandang lugar.
   
Habang nililibot ng mananalo ang buong Pilipinas ay ginagawa naman ang pananaluhan niyang bahay na siyang uuwian ng kanyang pamilya pagbalik niya.