4,667 guests

Hands off

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 0

Lovi, ayaw sumawsaw sa bagong Heart-Marian isyu

Sikat na int’l author, may tula para kay Maine

AYAW makisawsaw ni Lovi Poe sa anumang isyung kinasasangkutan ng kaibigang si Heart Evangelista dahil hindi niya alam ang puno’t dulo nito.

“Hindi ko alam kung ano ang issue. What’s the issue?” tanong ni Lovi sa amin nang ipa-interview ng GMA sa Limbaga 77 Café para sa series na Someone to Watch Over Me.
   
Sinabi naming nag-aaway na naman ang fans nina Heart at Marian Rivera tungkol sa Hermes bags at iba pang gamit mula sa kilalang brand.
   
“I don’t know what to say about that pero ang alam ko, si Heart, mahilig talaga, hobby niya talaga ang art. Kahit ’yung bag ko, nandoon sa kanya at pipintahan niya. Hindi, hindi kasama sa exhibit,” sagot ni Lovi.
   
Kahit hindi nagkikita, may komunikasyon pa sila ni Heart kasama ang ilan nilang mga kaibigan dahil may group of friends sila.
 
Sa series na STWOM, matiising asawa ni Tom Rodriguez ang role niya na may Alzheimer’s disease.    Swak nga ang karakter ni Lovi dahil sa ugali sa pagmamahal.
   
“When I love, I love talaga. I mean, I’m very… Basta when I love, I give all I can!” rason niya.
   
Bukod sa STWOM, tinatapos ni Lovi ang pelikulang The Escort, kung saan meron siyang kissing at love scenes sa iniidolo niya noon na si Christopher de Leon.

* * *

PASOK sa bagong libro ng international best-selling author na si Lang Leav na The Universe of Us ang tula na nilikha niya para sa phenomenal star na si Maine Mendoza. Ito ay ang Stars in Love.
   
Kalakip din ng book ang portrait ni Maine na gawa ni Lang. Si Lang ang author ng bestsellers na Love & Misadventures, Lullabies and Memories.
   
Samantala, after Morocco, US-bound naman si Meng but this time, minus Alden Richards kaya?

* * *

NAGULAT ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa pagdating ni Tim Yap sa Valencia last Wednesday.
   
Akala ni Yap, birthday party na ni Mother, pero nagtaka dahil walang selebrasyong nagaganap, huh!
   
Sinabihan na lang siya ni Mother na bumalik siya ngayong Friday, dahil ito ang araw ng birthday niya.
   
Kaya, all roads lead to 38 Valencia Events Place sa 77th birthday ni Mother Lily.    Happy, happy birthday, Mother! (More birthdays to come, Mother! -- IFF)