5,906 guests

Show ni Kris, papalit kay Marian

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 660

Hindi sinasagot ni Kris Aquino ang tanong ng kanyang fans/followers sa Instagram (IG) kung lilipat na siya sa GMA-7. Nasa Baguio si Kris kasama sina Josh at Bimby dahil doon nag-celebrate ng 61st birthday today ang Ate Ballsy niya.

May tinanong kami kung totoo ang balitang ang Triple A na ni Tony Tuviera ang management company ni Kris, pero “standby” ang isinagot sa amin. 

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ang paglipat ng management na kaya ang dahilan ng pakikipag-meeting ni Kris kina Mr. Tuviera at director Mike Tuviera?
   
Show nga kaya ni Kris ang ipapalit sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera dahil time slot ng APT Entertainment ang slot ng nagtapos na show ni Marian?
   
Ang inaabangan ng marami ay kung si Kris nga ang ipapareha kay Vic Sotto sa MMFF entry nitong Enteng Kabisote10 with The Abangers dahil co-producer ng movie ang APT Entertainment.

* * *

Pagkatapos ni Miguel Tanfelix, si Alden Richards ang papasok sa Encantadia atisa ring Mulawin ang gagampanan ng aktor. Tila Lakan ang magiging pangalan ni Alden at tutulungan din niya ang mga Sang’gre sa pakikipaglaban sa mga kaaway.
 
May TV interview si Alden noong nag-fitting siya ng costume at nabanggit na kailangan na niyang mag-diet at bumalik sa pagwu-workout. Nagdyi-gym naman si

Alden, kaya hindi siya mahihirapan balikan ito.
 
 Masaya si Alden na mapasama sa Encantadia kahit guest lang siya dahil lumaki siyang pinapanood ang Encantadia pati na rin ang Mulawin.
 
Hindi lang maiwasan na kung marami ang natuwa na papasok si Alden sa Encantadia, may mga hindi rin natuwa. Iniisip kasi ng ibang fans na maiiwan niya ang  ka-love team na si Maine Mendoza, pero guest lang si Alden sa fantaserye at three days lang daw lalabas.  Napapanood pa rin naman sa Eat...Bulaga ang Aldub, kaya walang iwanang mangyayari.

o-O-o  

Pumirma ng exclusive contract sa GMA Network  si Gabby Concepcion. Thankful

ito sa tiwala sa kanya ng network at inuring advance birthday gift ang exclusive contract na pinirmahan.
 
Comedy ang unang gagawing show ni Gabby sa bago niyang kontrata at nabanggit ni Ms. Lilybeth Rasonable, pang primetime ang timeslot ng show. May nabalitaan naman kami na weekend ang timeslot ng comedy show ng aktor at pinaghahandaan na. Ano kaya ang totoo rito?
 
Natanong si Gabby sa pag-uwi ng anak niyang si Cloie Syquia, masaya siya sa pagdating ng anak dahil nagkaroon ng chance na makapag-bonding ang mga anak. Nakasama ni Cloie ang mga kapatid na sina KC at Garie Concepcion. Bumalik na sa Sweden si Cloie at naghahanda na sa Miss Universe Sweden na sasalihan.
 
“I hope she wins” ang sagot ni Gabby nang tanungin sa pagsali ni Cloie sa Miss Universe Sweden at ‘pag nanalo, babalik ito sa bansa sa January 30, 2017 dahil dito

gagawin ang Miss Universe.
 
Bumalik na sa Sweden si Cloie na habang narito ay nag-train sa Aces & Queens, ang beauty camp na kinabibilangan ni Jonas Gaffud at nagprodyus ng maraming beauty queen winners.

o-O-o

Naniwala kami sa sinabi ni Lady Ilao, isa sa pitong producers ng Cineco Productions, na hindi nila tinitipid ang paggawa ng pelikulang Mang Kepweng Returns na bida si Vhong Navarro. Basta kailangan ang location sa eksena, aprubado sa kanila at pumayag din silang lagyan ng special effects ang movie sa direction ni GB Sampedro.
 
Pati sa cast, hindi nagtipid ang Cineco dahil kasama sa cast sina Jaclyn Jose, Pen Medina, Sunshine Cruz, Jhong Hilario, James Blanco, Louise delos Reyes, Juancho Trivino, Valeen Montenegro, Kim Domngo, Matet de Leon, Balang, Lotlot de Leon at marami pang iba.
 
Enjoy si Pen sa role niya sa Mang Kepweng Returns dahil nagta-transform siya at nagiging si Jhong o kaya’y si Valeen. Isang tao, tatlo ang karakter niya at first time na ganito ang role niya.
 
Intended for 2016 MMFF ang Mang Kepweng Returns at naniniwala ang mga producers, kasama si Ramon Salvador na mapipili ang kanilang pelikula. Kundi man palarin sa MMFF, sa 2017 ipalalabas ang pelikula na first venture ng Cineco Prods.