5,266 guests

Sam masaya sa bagong GF

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 608
Sam Milby Sam Milby

MALAKI ang pasasalamat ng Kapamilya singer-actor na si Sam Milby sa social media dahil dito niya nakilala ang kanyang bagong girlfriend na hindi taga-showbiz, and model na si Mari Jasmine na half-Japanese at half-British pero sa Australia lumaki at nag-aral.

Si Sam ang unang nag-follow kay Mari Jasmine at wala itong idea na taga-showbiz si Sam.

It took quite a long time for Sam to find another girl na kanyang mamahalin after his much-publicized break-up with Anne Curtis years  ago.  Sinubukan din ni Sam na ligawan si Toni Gonzaga  pero mas pinili nito ang kanyang mister ngayon na si Paul Soriano pero nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon and they even made a movie together.

Worth the wait naman ang matagal na pagiging loveless ni Sam dahil masyado siyang inspired ngayon ng kanyang bagong girlfriend na napaka-supportive umano sa kanya.

Umaasa rin si Sam na si Mari Jasmine na ang `Miss Right’ para sa kanya.

INAH ’DI GINAMIT ANG APELYIDO NG AMA

SA halip na gamitin ang apelyidong Estrada, de Belen ang ginamit ni Inah sa kanyang screen name.
   
Si Inah ay isa sa apat na anak ng aktres na si Janice de Belen sa ex-husband nitong si John Estrada na may ibang pamilya na rin ngayon.  Ang bagong misis ngayon ni John ay ang Brazilian 2004 Miss Earth na si Priscilla Meirelles at may isa na silang anak na babae, si Anechka.
   
Kahit bagong pasok lamang sa showbiz si Inah ay binigyan kaagad ito ng GMA ng lead role sa bagong afternoon TV series na “Oh, My Mama” na pagsasamahan nila nina Jake Vargas at Jeric Gonzales at kung saan din tampok sina Gladys Reyes, Epi Quizon, Ryan Eigenmann, Arthur Solinap, Yul Servo, Eunice Lagusad at iba pa.

SANDARA MAS FLUENT PANG MAGTAGALOG SA IBANG PINOY

SOBRANG at home na sa Pilipinas ang Korean K-Pop star at isa sa mga miyembro ng 2N1 na si Sandara Park dahil matagal namalagi sa Pilipinas ang kanyang pamilya at dito rin siya sa Pilipinas unang nabigyan ng break sa showbiz nang siya’y mapasama sa Star Circle Quest in 2004.
   
Tiyak na matutuwa ang mga fans ni Sandara dahil magiging isa ito sa mga hurado ng bagong singing reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Boyband Superstar kung saan isa siya sa mga tatayong hurado kasama sina Vice Ganda at Yeng Constantino.
   
Noon pa man ay inihayag na ni Sandara ang kanyang interes na mag-judge ng isang reality show at matutupad ito sa pamamagitan ng “Pinoy Boyband Superstar” search na sa pagkakaalam namin ay magsisimula sa buwan ng September.
   
Fluent pa rin hanggang ngayon na magsalita ng Tagalog si Sandara na kanyang natutunan nang narito pa sa Pilipinas ang kanyang pamilya.

PARANG NAG-HONEYMOON LANG

KAMAKAILAN lamang ay nagtungo ng Balesin Island ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang little angel na si Baby Zia.
   
Nag-enjoy nang husto ang mag-anak at tila nasa honeymoon na naman ang mag-asawang Dingdong at Marian kaya malamang daw na masundan kaagad si Baby Zia.
   
Si Marian mismo ang nagsabi na gusto niyang magkaroon sila ng maraming anak ng mister niyang si Dingdong.

ALONZO, MAY INTENDED MOVIE FOR MMFF

TUWANG-tuwa ang six-year-old child star na si Alonzo Muhlach na meron na naman siyang movie intended for the Metro Manila Film Festival, ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Garcia at pinagbibidahan ng MMFF King na si Vic Sotto.
   
Kung mapapasok sa 2016 MMFF ang “Enteng Kabisote 10,”  magiging pangatlong MMFF movie bale ito ni Alonzo who was first introduced in 2014 sa MMFF movie ni Vic Sotto na “My Big Bossing” kung saan din kasama ang childstar na si Ryza Mae Dizon.  Noong isang taon naman ay napasama si Alonzo sa “Beauty and the Bestie” na pinagbidahan naman ng best buddies na sina Vice Ganda at Coco Martin.
   
Ayon sa ama ni Alonzo, ang original Child Wonder na si Nino Muhlach, looking forward parati si Alonzo na sumakay ng float sa Parada ng mga Artista every December 23.
   
“Thrilled siya sa napakaraming tao na nakaabang sa parade,” pahayag ni Onin (Nino).