6,354 guests

Ama binoga ng anak, patay

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 193

ABRA -- Patay ang isang ama matapos barilin ng kanyang anak  alas-5:45 ng hapon kamakalawa sa Bgy. Calaba, Bangued.

Kinilala ang suspek na si Reynante Molina Bayle, 27, binata, at ang biktima na si Reynaldo Almazan Bayle, 58, parehong mangingisda at residente ng Calaba, Bangued.
   
Ayon sa imbestigasyon, dumating ang biktima sa kanilang bahay na la-ngo sa alak at nagwawala habang hawak ang isang kitchen knife.
   
Sa kanyang pagwawala, pinaghahabol ng biktima ang kanyang anak na lalaki at babae. Tumakbo naman ang suspek sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang pistolized 12-gauge shotgun at pinaputukan ng isang beses ang kanyang ama at tinamaan ng bala sa sikmura.
   
Ang biktima ay isinugod sa Abra Provincial Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival ng tumingin na manggagamot.
   
Nadakip naman agad ang suspek at nasa kustodiya na ng Bangued Police Station para sa dokumentayon para sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa kanya.