4,818 guests

Impounded vehicles sa QC inilipat ng LTO sa Tarlac City

  • Written by Jun Icban Legaspi
  • Published in Nation
  • Read: 397

SINIMULAN na ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTO-LTFRB) na ilipat ang mga impounded vehicle sa kanilang bagong impounding area sa Tarlac City.

Kahapon ng umaga ay may  20 units ng  impounded vehicles ang dinala ng LTFRB sa bagong impounding area ng LTO sa San Isidro, Tarlac na may lawak na isang ektarya.
   
Nauna nang nagdala ng mga impounded vehicle ang LTO noong nakaraan araw ilan dito ay mga taxi, UV Express Vans, dilapidated jeepneys, at mga commercial ADZ van na walang franchise sa LTFRB.
   
Ayon sa agency, ilan sa violations ng mga impounded vehicle ay out-of-lines, colorum at iba pang impoundable offenses.
   
Ang aksyon ay bilang tugon sa kautusan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, upang lumuwag umano ang Central Offices ng LTO at LTFRB.
   
Ayon sa rules, ang lahat ng mahuhuling mga sasakyan na may impoundable offense ay diretso sa Tarlac impounding area, subalit ang processing ay sa Central Office.
   
Lahat ng gastos para ma-redeem ang sasakyan na na-impound ay  sagutin ng may-ari.
   
Ayon sa report, dalawang oras ang traveling time mula Manila papuntang Tarlac impounding area ng LTO.