4,878 guests

Fierce!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 495

Sunshine, tinawag na ‘low’ ang itinuturong babae ng asawa!

Mother Lily: I owe my success to gays

NAGHARAP-HARAP na kahapon sina Sunshine Dizon, asawang si Timothy Tan at ang diumano ay third party kaugnay ng kasong concubinage at Violation Against Woman and Children sa office ni Senior Prosecutor Fabinda K. de los Santos ng QC na isinampa ng Kapuso actress sa dalawa.

Sa coverage ng kasamahan sa panulat sa showbiz na sina Gorgy Rula at Rose Garcia, face to face ang harapan nilang tatlo habang nakamasid si Prosec de los Santos para sa ginawang preliminary hearing.

Base sa caption sa Instagram posts ng mga nag-cover, humingi si Timothy at ang girl ng extension  para magsumite ng kanilang counter-affidavit.
   
Kasamang dumating ng aktres ang lawyer niyang si Atty. Claire Castro.
   
Deskripsyon ng media kay Sunshine, fierce at sexy, huh!
   
After ng harapan, nagpahayag muli ng damdamin si Shine. Sa post, ayaw raw niyang madungisan ang kamay ng isang “low” na babae kaya nakapagpigil siya nang makita ito.
   
Ang nararamdaman daw niya ay awa para sa dalawa niyang anak.
   
Thanks sa press na nag-share ng ilang updates sa laban na ito ni Sunshine.

* * *

MALALAKAS ang halakhakan at palakpakan mula sa audience na nanood ng premiere night ng nakababaliw na Regal movie na That Thing Called Tanga Na last Tuesday sa SM Megamall Cinema 7.
   
Maging ang mga sumuportang artista gaya nina Kiray, Ryan Bang, Chynna Ortaleza at Coleen Garcia ay hagalpakan ng hagalpakan, lalo na sa eksena ng kani-kanilang partner na sina Kean Cipriano (husband ni Chynna) at Billy Crawford (boyfriend ni Coleen).
   
Eh, bukod sa dalawang main cast, aliw na aliw sila sa performance ni Eric Quizon, lalo na kapag bumibitiw na siya nga mga linya sa markadong movies nina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Vilma Santos, huh!
   
Gaya ng amang si Dolphy, maganda rin ang timing ng actor-director sa pagpapatawa.
   
Of course, wagi rin si Martin Escudero bilang bobitang parlorista. For sure, proud ang bitbit niyang model-girlfriend sa premiere, huh!
   
Maging si Angeline Quinto ay nakipagsabayan sa apat na male cast.
   
Tama si Mother Lily Monteverde na ang TTCTN ang maging tribute niya sa LGBT community. Hindi kasi ginawang katatawanan ang mga bading sa movie.  Sinangkapan pa ito ng mga video interview ng members ng grupo upang ipadama ang saloobin nilang yakapin ang kanilang partner.
   
May interview din kina Aiza Seguerra at Liza Diño, director-partners na sina Jun Lana at Perci Intalan at iba pang real-life couples.
   
Bading man ang mga bida sa movie, siguradong makaka-relate naman ang lahat sa mga kuwento ng characters nina Eric, Kean, Billy, Martin at Angeline.
   
Sa huling bahagi ng pelikula, nakalagay ang statement mula kay Mother Lily na: “I owe my success to gays!”