6,309 guests

Pag-aakusang unprofessional si Maja, walang basehan!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 947

Nagulat kami sa balitang may attitude problem si Maja Salvador at ito raw ang naging dahilan kung bakit nawala ang karakter niya sa hit series na Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Pero parang wala naman kasing katotohanan ang isyu at wala ring basehan.

Unang-una, hindi ga-nun ang pagkakilala namin kay Maja. Wala rin kaming nabalitaan tungkol sa aktres na nag-inarte ito o nagka-roon ng attitude problem.
   
Lahat ng mga naka-trabaho niya sa commercials, teleserye, out of town shows and concerts, wala namang angal sa ugali niya. Very professional daw ang aktres at sobrang daling katrabaho.
   
So, saan kaya galing ang isyu na kaya nawala sa Ang Probinsyano si Maja ay dahil may attitude problem ito? O baka naman na-misinterpret lang ng ilan ang pangyayari. From our source, nagpaalam nang maayos si Maja sa Ang Probinsyano at hindi siya tinanggal.
   
Kung anuman ang dahilan ng kanyang pag-alis sa programa, wala na kaming pakialam do’n. Baka kasi na-bore na siya sa role bilang policewoman na wala rin naman talagang growth ang character at parang one of those din lang, huh!
   
Tinanong nga namin noon si Coco kung bakit hindi pa nag-i-evolve ang karakter nilang dalawa ni Maja as “lovers” sa serye at ang sagot nito, ayaw raw niyang madaliin pero darating din daw naman doon ’yon.
   
Siguro, hindi na lang nahintay ni Maja ang point na ’yon which is okey din lang naman kasi sa tinatakbo ng Ang Probinsyano na tungkol sa mga problema ng lipunan, baka matagalan pa nga bago sila maging magdyowa ni Coco sa serye.
   
Anyway, ngayong wala na si Maja sa Ang Pro-binsyano, baka mabigyan na ulit siya ng ABS-CBN ng mas meaty role na katulad ng ginawa niya noon sa The Legal Wife at Bridges of Love na magpapakita talaga ng angkin niyang galing sa pag-arte.