4,860 guests

Juday, umaming insecure sa nagsusulputang artista

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 541

... aktres, type makatrabaho si Ate Vi

Piolo-Juday movie, aprub kay Ryan

Sinadyang hindi panoorin ni Judy Ann Santos ang indie film niyang Kusina, na nagkaroon ng special preview kahapon sa SM Megamall. 

Ang Kusina ay isa sa mga pelikulang kasali sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula sa August 5 at magtatapos sa Aug. 15.
   
Eh, bakit nga ba hindi man lang niya sinilip ang sariling pelikula?
   
“Nando’n kasi ’yung takot ko at kaba kasi ibang-iba siya. Kumbaga, hindi siya ’yung normal na pelikulang ginagawa ko na nagpapatawa ako, ’yung kung iiyak, iiyak, family drama o ano.
   
“Pero feeling ko lang, bago ako mag-40, gusto ko lang mag-break away sa normal roles na ginagawa ko. Siguro ano lang, assurance lang sa sarili ko na kaya ko pa palang umarte, ’yung ganu’n ba,” rason ng aktres.
   
Hindi naman daw sa wala siyang tiwala sa sarili niya sa Kusina kaya hindi niya ito pinanood, pero aniya, “siguro, ’pag matagal kang napahinga tapos marami kang nakikitang mga batang artisa na nagsisipagdatingan na magagaling, meron kang… you always question yourself.”
   
Nang usisain naman namin ang aktres kung totoo  bang ang asawa niyang si Ryan Agoncillo ang dahilan kung bakit hindi siya gumagawa ng pelikula with Piolo, sey ni Juday, “Mali ’yung iniisip ng mga tao na ayokong gumawa ng pelikula with Piolo because Ryan, no, it’s not like that.
   
“It’s not him, it’s me,” na sinudan pa niya ng malakas na halakhak.
   
Eh, kelan ba umokey si Ryan sa Juday-Piolo movie?
   
“Matagal na… matagal na! Marami na ngang mga proposal, eh. At saka wala namang kailangang ayusin sa aming dalawa (Piolo) kasi wala namang nangyari,” tawa ulit ng aktres.
   
Nabanggit din ni Juday na sana, in the near future ay makatrabaho niya si Vilma Santos sa pelikula.
   
“Matagal ko na talagang gusto ’yon. Hindi lang nabibigyan ng chance. Pero naniniwala akong may tamang project na darating sa tamang pagkakataon.   “Hintayin ko na lang ’yon. Hihintayin ko talaga ’yon. Hopeful ako na makakagawa pa rin ako ng pelikula with Ate Vi,” masayang pahayag ng aktres.