5,452 guests

9 probinsya nasa ilalim ng signal no. 2

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 352

Siyam na probinsya sa Luzon ang isinaila-lim sa typhoon signal no. 2 dulot ng Bagyong Carina.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng Bagyong “Carina” ang kanyang lakas at bilis habang nagbabanta sa lugar ng Isabela-Caga-yan area.
   
Ayon sa kagawaran, alas-10 ng umaga namataan ang sentro ng bagyo sa 160 kilometro sa silangan timog-silangan ng Tugegarao City, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging hanggang 95 kilometers per hour ma-lapit sa gitna at bugso ng hanging nasa 120 kph.
   
Patuloy na binabagtas ni Carina ang bahagi ng northern Luzon at ina-asahang gagalaw ito patungong hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
   
Sabi ng PAGASA, sa sandaling mapanatili ni Carina ang kanyang bilis at galaw, inaasahan itong magla-landfall sa Isabela-Cagayan area kahapon ng hapon.
   
Sa loob ng 24 oras, Lunes ng umaga, si Carina ay inaasahang nasa 230 km sa hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte, sa Martes ng umaga ay nasa 820 km sa kanluran hilagangkanluran ng Itbayat, Batanes, palabas ng PAR o Philippine Area of Responsibility, o patungong sourthern part ng China.
   
Ayon pa sa Pagasa, walang direktang epekto ang bagyo sa Metro Manila, pero magkakaroon ng pag-ulan dulot ng hanging habagat. Asa-han na umanong magi-ging maaliwalas ang panahon sa sandaling tuluyan nang makalabas ang bagyo sa PAR.
   
Samantala, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyo, itinaas ang signal no. 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan, kasama na ang Babuyan Group of Islands.
   
Signal no. 1 naman ang mararanasan sa Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora.
   
Dagdag ng Pagasa, ang mga lugar na nasa ilalim ng mga naturang signal, ang nalalabing lugar sa Central at Northern Luzon at ang probinsya ng Quezon at Camarines Norte ay inalerto laban sa katamtaman at matinding pag-ulan na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
   
Ang inaasahang pagbagsak ng ulan ay mula sa katamtaman hanggang sa matindi sa loob ng 400 km diameter ng bagyo.
   
Inalerto din ng Pagasa ang mga mangi-ngisda sa malalakas na alon sa eastern seaboards ng Southern Luzon.