6,413 guests

Juday, nanibago sa ‘Kusina’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Metro
  • Read: 193

MAY pelikulang kasali sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival si Judy Ann Santos titled Kusina at mapapanood ito simula August 5 hanggang Aug. 14. Aminado si Juday na medyo nahirapan siyang gawin ang ilang dramatic scenes sa Kusina dahil matagal siyang nabakante.

“It’s easier for me kasi I cook. It’s harder because it’s too sad. Harder to act it out because I am too hap-py,” pagtatapat ng aktres sa interbyu namin.
   
Patuloy pa niya, “Hirap na hirap akong humugot kasi parang lahat ng tao sa buhay ko pinatay ko na, masaya pa rin ako. Hindi ko na kayang mag-motivate ngayon ng reality sa fantasy. Hirap ako kasi ang tagal ko na ring hindi umarte. Parang, ’di ba, nagho-host ako and nababad din talaga ako sa hosting.
   
“Nung time na umarte kasi na-miss ko siya, natakot na ako kasi hindi ko alam if it’s still there. Hinanap ko siya, nag-moment kami ng sarili ko,” natatawa niyang kuwento.
 
Nahanap ba niya agad ang kanyang sarili?
   
“Hindi ko rin nga siya natagpuan agad-agad, eh,” tawa pa niya. “May mga mangilan-ngilang dasal akong ginawa para magkita ulit kami ng sarili ko. I had a hard time.
   
“Palagi kong tini-text si Ryan na kinakabahan ako lalo na nu’ng sinusyut ’yung heavy scene. Takot na takot ako. Ang dami kong multo sa pag-arte. Hindi ko siya ididenay kasi  totoo siya, eh.”
   
Dumating din daw siya sa point na nahihirapan siyang i-motivate ang sarili.
   
“Hindi ko talaga alam kung paano ko siya sisimulan, eh. Gusto kong mag-motivate pero biglang sa gitna ng motivation natatawa ako kasi may naisip akong masaya. ’Yung hindi ako masyadong naka-focus sa character. But after a while, na-enjoy ko na siya. ‘Ah, eto pala ’yung iniwan ko for quite sometime.”
   
Hindi naman daw nawala ang kanyang confidence bilang aktres.
   
“Medyo nanibago lang talaga ako. Nanganay lang ako kasi nga matagal ko siyang binakante. Umarte man ako medyo on the horror side or comedy. Ngayong bumalik ako sa heavy drama, parang tinanong ko pa nga ’yung sarili ko, ‘Ah, eto pala ’yung ginagawa ko dati,’” pahayag pa ng aktres.