6,899 guests

‘Pata’ ni Lovi, ’di para kay Jessy

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1547

Ipinakita na ni Lovi Poe ang mukha ng French guy na si Chris Johnson na sabi niya sa renewal ng contract niya sa GMA Network ay friend lang niya. May picture sila sa Instagram (IG) account ni Lovi and this time nakaharap ang mukha ng guy at hindi lang silhouette, hindi long shot at hindi nakatalikod.

Kaya lang, paano ’yan Lovi at ayaw maniwala ng netizens na “friends” lang kayo ni Chris Johnson dahil kung makaakbay daw si kuya wagas at hindi akbay na magkaibigan. Pero may mga dumepensa rin sa aktres, hindi raw basehan ang akbay para sabihing may something na sila ng French guy.

May mga nalungkot na fans nina Lovi at Rocco Nacino kung totoong may Chris Johnson na ang aktres. Mas marami pa rin ang may gusto na magkabalikan sila ng ex-boyfriend, but as of today, medyo malabo na ito.
   
May isa pang isyu kay Lovi at ito ay ang pagpo-post niya ng kanyang legs at hita at nilagyan ng caption na “Pata” at “Good morning from my pata to yours.” Akala ng netizens, patama ’yun ni Lovi kay Jessy Mendiola na “pata” ang tawag ng bashers dahil malaki raw ang hita. Pinagkakaisahan daw nila ni Angel Locsin si Jessy dahil may post din si Angel ng kanyang mga hita at legs.
   
Itinanggi ito ni Lovi, “of course not. She’s indeed one of the most beautiful and sexiest women in the industry. Let’s not put meaning to this post po. God bless.”
   
Samantala, tuluy-tuloy ang taping ni Lovi ng Someone To Watch Over Me  dahil malapit na ang airing nito. Ito ang first show sa bago niyang pinirmahang three-year contract sa network. Tungkol sa onset ng Alzheimer’s disease ang teleserye na pagtatambalan nila ni Tom Rodriguez sa direction ni Maryo J. delos Reyes.
   
First time rin niyang maging leading man si Derek Ramsay sa Regal Films movie na The Escort. Sexy movie ito at bagay sa kanilang dalawa ang kanilang role.

* * *

Reunion nina Heart Evangelista at Joross Gamboa ang Juan Happy Love Story  ng GMA-7 dahil nagkasama na sila dati sa ABS-CBN sa ASAP Fanatic at isa pang show. Tsika ni Joross, ang daming may crush kay Heart that time, pero dahil sila ni Roxanne Guinoo that time,  hindi siya kasama sa mga nagka-crush sa aktres.
   
Bumawi si Joross sa Juan Happy Love Story  dahil kasama na niya si Heart, ang ganda pa ng role niya bilang rich businessman na obsessed kay Happy (Heart) at gagawin ang lahat para hindi ito bumalik kay Juan (Dennis Trillo).
   
Matapang para kay Joross ang Juan Happy Love Story  mula sa tema at sa double meaning dialogue. Nagtatawagan sila ng cast para mangumusta kung walang nagrereklamo sa show and so far, walang reklamo ang viewers at natutuwa pa.
   
Naiinggit lang si Joross kay Dennis dahil naki-kiss si Heart, si Kim Domingo at iba pang girls sa show. Siya puro habol lang kay Heart, pero hindi nagrereklamo si Joross dahil after may lumabas na sex video niya careful na siya. Isinara na niya ang FB at Twitter account at itinira ang Instagram (IG) na joint account nila ng misis niyang si Katz Saga-Gamboa.