15,804 guests

Love scenes ni Coleen sa iba, pinapanood ni Billy

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 245

Sobrang proud si Billy Crawford sa girlfriend na si Coleen Garcia sa mahusay na pagganap ng aktres bilang mentally ill teen sa Maaalaala Mo Kaya recently. Umani ng papuri ang GF niya dahil dito at ang taas din ng ratings ng nasabing episode.

“I’m very, very proud of her,” he said at his solo presscon for That Thing Called Tanga Na movie under Regal Entertainment. “Hindi n’yo lang alam kung gaano siya ka-nerbyos do’n.

“As in nagte-take siya, tinatawagan niya ako, sabi niya, ‘love, I don’t know what I’m doing, I don’t know if I’m doing good, hindi ko alam kung...’ Hay naku, Diyos ko, she’s getting frustrated na.
   
“So, kinakausap ko siya. Sinabi ko, ‘siguro naman ’yung direktor n’yo, hindi ka naman papabayaaan.’ And true enough,” say ni Billy na masayang-masaya sa blessings na dumadating sa girlfriend.
   
“It was a blessing actually for her to be given that role. Kasi ang daming pwedeng ibigay kay Coleen, eh. Pwedeng ibigay na alam mo ’yun, pa-sexy-sexy ulit or pwedeng love story with drama. Ito, iba, eh. So, nag-shine siya. I’m very proud of her,” he said.
   
Aminado naman si Billy na seloso siyang boyfriend pero naiintindihan naman daw niya kung kailangang makipag-love scene ni Coleen sa mga papel na ginagampanan nito.
   
“It’s part of it. Part of the story ’yan, eh. ’Pag mag-asawa, they make love. It’s part of the movie. So, it’s her job, and it’s my job.”
   
Does he watch Coleen’s love scenes?
   
“Oh yeah, I do. And awa ng Diyos, puro kaibigan ko nape-pair sa kanya. And I trust her. May tiwala ako sa kanya, eh. Kasi kung may iba namang malice ’yung kasama niya, ako naman yata ang unang sasabihan n’ya, eh. So, lagot na lang sila kung ganu’n,” natatawang sabi ni Billy.
   
Samantala, sa That Thing Called Tanga Na ay first time na nakatrabaho ni Billy si Direk Joel Lamangan kaya natanong siya kung ano ang experience niya sa direktor.
   
“Natakot ako noong una,” pag-amin niya. “Well, nasanay din ako na sa past movies ko, nasanay ako kay Direk Wenn (Deramas). Iba ’yung environment ni Direk Wenn. Saka ’yung ‘you play as you go,’ kay Direk Wenn.
   
“Kay Direk Joel, you better know what you’re doing. Kasi kung magkamali ka or anything, nakasalalay sa ’yo ’yan. And ikaw ’yung magmumukhang tanga.
   
“So you really have to pay attention to your director. Noong una, I was intimidated by Direk Joel. Pero nu’ng after a while, sobrang bait ni Direk Joel na talagang inalalayan niya kaming lahat.
   
“’Yon ’yung hinihiling ko sa kanya. Sabi ko, ‘Direk, kung may kailangan po kayo sa akin, sabihan n’yo po ako, huwag n’yo po akong sigawan muna, kasi tatanga-tanga rin ako,’” sey ni Billy.
   
Siyempre, nasisigawan din naman siya pero alam niyang lambing lang ’yun ng direktor dahil ang gusto lang naman nito ay maging mahusay ang kanilang performance.
   
Showing na ngayong Aug. 10 ang That Thing Called Tanga Na at kasama rin dito sina Angeline Quinto, Eric Quizon, Martin Escudero at Kean Cipriano.