6,305 guests

Lovi, tour guide ng foreigner na nakilala sa kasal ni Solenn

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 585

PUMIRMA muli ng tatlong taong kontrata si Lovi Poe sa GMA. Ten years na siya sa Kapuso Network na malaki ang naging tulong sa showbiz career upang matawag siyang “Primera Aktresa.”

Ang drama series na Someone to Watch Over Me ang ginagawa ngayon ni Lovi kapareha si Tom Rodriguez. 

Ayon sa aktres after ng contract signing niya, marami silang maiinit na eksena ng actor.

Nagkasama sa pelikulang Temptation Island noon sina Lovi at Tom, pero hindi sila magkapareha.
   
Ngayong isa na rin sa dramatic actors ang kapareha, hanga siya sa galing nito.
   
Hindi ba niya naisipang magbago naman ng network after GMA?
   
“It’s more of my manager’s… Siya rin ang nag-decide. I don’t know what happened behind it. Basta ako, I am just happy to be home,” saad ni Lovi.
   
Nu’ng mag-renew siya three years ago, isinalang agad siya kina Maricel Soriano at Dingdong Dantes pero ngayon, sina Tom at Max Collins ang co-stars niya.         Hindi ba siya umangal sa casting?
   
“No! I am happy with Tom. Napakahusay na actor. Ang sarap niyang kaeksena every time. Looking forward to share it to everybody kasi kakaibang story ito,” rason ng Primera Aktresa.
   
Siyempre, natanong din si Lovi sa ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino. Two years din silang nagkarelasyon.
   
“Actually, lahat ng relasyon ko matatagal,” saad niya.
   
May marrying age ba siya?
   
“None! I don’t have a marrying age. I only have an ideal man, naks!” diin ni Lovi.
   
“No, no. Si Rocco is really a very, very good guy. He was very ideal naman. ’Yun nga, ako, bilang tao, I feel na hindi pa ako kumpleto bilang individual. We have to work on ourselves,” dagdag niya.
   
Siya pala ang problema?
   
“I am always the problem. Joke! Hahaha! I’m kidding.
   
“It’s not that. There are some things that you have to figure out on your own,” sabi ni Lovi.
   
Handa na ba siyang makipagrelasyon after Rocco?
     
“If it will happen, it’s gonna happen. Maybe in the future. Pero ngayon, I just wanna enjoy on my own and enjoy lang muna,” sagot niya.
     
Baka foreigner ang bagay sa kanya. May nakilala kasing foreigner si Lovi nang dumalo sa kasal ng kaibigang si Solenn Heussaff sa France.
     
“Hindi ko alam eh, hahaha! Friend ko siya who is visiting in the Philippines. Hindi siya tagarito. Since naging close kami, iniikot ko siya sa Pilipinas,” tugon ni Lovi.
     
Teka, nagpakabaliw siya sa France dahil wala na siyang boyfriend?
     
“No! No! Hahaha! I enjoyed France. Solenn’s wedding was fun. Naging friend siya ni Solenn,” bulalas ni Lovi.
     
Bukod sa GMA series, tinatapos ni Lovi ang Regal movie na The Escort, na after ng love scene kay Derek Ramsay, looking forward naman siya sa romansahan nila ni Christopher de Leon, huh!