11,126 guests

Cataquiz wagi uli sa San Pedro

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 722

Pormal nang iprinoklama si reelectionist Mayor Lourdes Cataquiz ng San Pedro City ng Board of Canvassers sa kanyang pangalawang termino bilang punong lungsod.

Si Mayor Cataquiz ay nakakuha ng 52,398 boto laban kay dating Vice Mayor Rafael Campos ay nakakuha lamang ng 33,462 boto samantalang puma-ngatlo si Eugenio Ynion Jr. (31,454 boto) at pumang-apat si dating Konsehal Michael Casacop (2,528 boto).
   
Nagpasalamat si Cataquiz matapos ang proclamation sa Poong Maykapal at sa mga mamamayan ng San Pedro dahil naging mapayapa at malinis ang naganap na eleksiyon sa lungsod.
   
Nahalal namang bise alkalde si Iryne Vierneza at ang mga city councilors na kinabibilingan nina Celso Ambayec, Art Joseph Francis Mercado, Marlon Acierto, Delio Hatulan, Divina Olivarez, Benadeth Olivarez-Cuevas, Jamie Ambayec, Edgardo Berroya, Carlon Ambayec at Kent Lagasca.          

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.