PASURAY-SURAY na si Noel Orate Sr. sa isang party na kanyang dinaluhan sa Quezon City bago ito nagtungo sa tahanan ni dating congresswoman Nanette Castelo-Daza kung saan siya napatay dahil sa pangho-hostage ng pamilya ng ex-solon.
Ayon sa mga babaing kaibigan ni Orate sa Amoranto Tennis Club, halos matumba na si Orate sa paglalakad habang pilit na nakikihalubilo sa birthday party ng mga kasamahan sa naturang grupo noong gabi ng Feb. 10.
Ang tennis court sa Amoranto, Quezon City, kung saan ginanap ang naturang handaan ang sinasabing lugar na pinagtigilan ni Orate bago ito nagtungo sa tahanan ng kanyang dating nobya na si Daza.
“Natutumba na siya eh kaya alam naming lasing siya nang gabi na ’yun,” pahayag ni Rosalinda dela Cruz, isa sa mga kaibigan nina Orate at Daza sa nasabing tennis club.
Dahil sa kalasingan, napag-alaman na nilapitan pa ni Orate ang bawat babae sa nasabing party upang magpaalam, bagay na ikinagulat ng isa pang kaibigan na si Jun Bilbao dahil hindi naman umano palalapit si Orate sa mga kababaihan ng grupo.
Pero bago ito, laking gulat din umano ni Bilbao kung bakit agad na nag-aya si Orate na simulan na ang inuman nang dumating ito sa handaan dakong alas-6 ng gabi.
“Hindi kasi umiinon si Noel kaya nagulat ako kung bakit siya pa ang nag-aya ng inuman,” sabi ni Bilbao.
Kumbinsido ang mga miyembro ng naturang tennis club na dumalo sa naturang party na “depressed” si Orate nang gabing iyon dahil sa pakikipaghiwalay kay Daza.
Nasambit din umano ni Orate na gusto na lang niyang magpakamatay upang matapos na ang kanyang paghihirap.
Nag-alala ang mga kaibigan sa kundisyon ni Orate nang lisanin nito ang pagtitipon sa naturang court. Nagbiro pa umano ang isa kay Orate na “Oh, huwag kang gagawa ng kalokohan ngayong gabi ha.”
Ilang oras ang lumipas, napatay at nabaril ni Bulacan Provincial Board Member Allan Robes si Orate sa tahanan ni Daza matapos umano nitong i-hostage ang pamilya ng mambabatas kabilang ang buntis na asawa ni Robes na si Quezon City Councilor Jessica Daza.
Kailan lamang ay sinabi ng mga kaibigan nina Orate at Daza na dumadaing si Orate na hindi nito kayang mawala sa kanyang buhay ang mambabatas.
Published : Wednesday May 23, 2012 | Category : Metro | Views : 81
ONE of the 10 inmates who bolted the Mandaluyong City detention cell last week was recaptured at his hideout in Valenzuela City through the information provided by his parents to the authorities. Chief Inspector Noel D. Ramirez, head of the Detective Management Unit (DMU), identified the inmate as Gabriel Gonzales,... Read more
Published : Wednesday May 23, 2012 | Category : Metro | Views : 86
By : Joel dela Torre
A SINGAPOREAN has vowed to fight for justice claiming he was a victim of a forged medico legal report by a woman doctor that caused him to be jailed for a day. The Singaporean who introduced himself as Mr. Park said he had already filed an appeal before the... Read more
Published : Wednesday May 23, 2012 | Category : Metro | Views : 96
By : Alvin Murcia
THE Metropolitan Manila Development Authority will crack down on jaywalkers as part of its preparation for the school opening on June 4. Chairman Francis Tolentino of the MMDA fielded additional traffic personnel to apprehend people who cross the road at unmarked places. Aside from this, Tolentino expressed concern... Read more
Published : Wednesday May 23, 2012 | Category : Metro | Views : 44
PASAY City Mayor Antonino Calixto allowed the second concert of controversial pop diva Lady Gaga to proceed last night after the inspection team created by the city government found no violations on the Special Permit issued to the promoters on the first night of the show Monday evening at The... Read more
Published : Wednesday May 23, 2012 | Category : Metro | Views : 86

ISANG dramatic actress ang nag-impake na daw ng kanyang mga make-up, costumes and even boylets kasi handa na siyang layasan ang kanyang mudrah network. Hinihintay na lang niya kung kakagatin ang kanyang pa-presyo at papigil epek. Naku ha? Baka umiyak pa ’yan sa mga bosing at sabihing ’di siya pinigilan!... Read more