56,941 guests

Tito, Vic and Joey, 'pinalutang' ang AlDub

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1420

MAY iba kaming lakad last Saturday pero ang mga ito’y aming ipinapaliban dahil ayaw naming palampasin ang isang kasaysayan, ang “Sa Tamang Panahon” special show ng 36-year-old noontime show, “Eat Bulaga” para sa pinakamainit na loveteam ngayon ng bansa, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.

Maaga kaming gumising para hindi kami maiwan ng bus na naghihintay sa harap ng Imperial Suites sa panulukan ng Tomas Morato at Timog Avenue, Quezon City na pag-aari ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Kailangan umalis ang bus ng 8 a.m. sharp para hindi maipit sa traffic patungong Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan.

Pasado alas-9 ng umaga ay nasa loob na kami ng 55-seater na Philippine Arena na katabi ang Philippine Sports Stadium at Philippine Sports Center na tig-25,000 ang sitting capacity each.  Bago kami pumasok sa loob ay parang langgam ang mga taong naglalakad papasok ng Philippine Arena.  As early as 4:00 a.m. ay marami na ang tao sa labas na naghihintay lamang ng pagbubukas ng arena.  Puno na rin halos ang mga open parking sa paligid at nagkalat ang security guards and marshalls all over para masigurado na maging smooth ang daloy ng traffic at pagdating at pagpasok ng napakaraming tao.

Since sa VIP entrance kami dumaan, hindi na kami nakaranas ng mahabang lalakarin at madali kaming nakapasok sa loob kung saan nakahanda na ang early packed lunch for our group.

Alas-10 ng umaga ay pumasok na kami sa loob ng venue and to our surprise, punumpumo na ang lahat ng upuan mula sa VIP seats hanggang sa bleachers at parang dagat tingnan ang mga tao sa loob ng arena.
   
Para hindi ma-bore ang mga tao sa loob ng arena ay ni-replay ang iba’t ibang mga eksena nina Alden at Maine sa “Kalyeserye” na naka-beam sa tatlong giant screens sa likuran ng stage.
   
Pagsapit ng alas-10:30 ng umaga, isang oras munang pinasaya nina Gerald Napoles at Valeen Montenegro along with The Explorers Sisters copycat para magbigay ng iba’t ibang papremyo at ma-warm up ang audience.  Pero pagsapit ng alas-11:30 ng umaga ay hindi na magkamayaw ang hiyawan ng audience dahil ito na ang hudyat ng pagsisimula ng longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” para sa “Tamang Panahon” grand show.
   
Sosyal ang pagpasok ni Lola Nidora (Wally Bayola) na ipinakita sa screen dahil naka-helicopter ito nang dumating.  Matagal-tagal ang monologue ni Lola Nidora na tanggap naman ng audience.  Ang kanyang mga kapatid na sina Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) ay meron ding kani-kanyang highlight sa show pero ang buong palabas ay talagang nakalaan para kina Alden at Maine.  Maging ang mga host at mga poste ng “Eat Bulaga” na sina Tito, Vic & Joey ay nag-give way  sa AlDub ganundin ang ibang Dabarkads na binubuo nina Allan K, Ruby Rodriquez, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Julia Clarete at Ryzza Mae Dizon.  
   
Natuwa ang audience nang ipakita ni Lola Nidora ang dalang blue folder at ipakita na walang commercial break ang palabas.
   
At nang pumasok na nakasabit pa sa estribo ng jeep si Maine ay nakakabingi na ang tilian, gayundin nang dahan-dahang lumakad si Alden mula sa isang white Lexus car bago nakapasok at nakarating sa stage kung saan naghihintay ang kanyang Cinderella na si Maine.
   
Grabe ang tilian ng audience nang finally magharap sina Alden at Maine.  Muling inawitan ni Alden si Maine ng “God Gave Me You” at sa gitna ng kanta ay hindi na napigilan ni Alden ang sarili at ilang beses niyang pagyakap sa ka-love-team dahil sa pagkasabik.          At this point ay hindi na rin napigilan ni Alden ang maiyak sa sobrang tuwa sa mga nangyayari sa kanila ni Maine.  May isang pagkaka taon na matagal na niyakap ni Alden si Maine nang mahigpit.
   
Dahil sa pag-iyak ni Alden, maging ang audience  ay nagkani-kanyang pahid ng kanilang mga luha.  If you were inside the arena, napaka-intense ng pakiramdam ng lahat.  Napaka-real and genuine ng ipinakita na emosyon nina Alden at Maine para sa isa’t isa.
   
Ramdam ang tuwa at kasiyahan ng lahat sa tamang panahon na pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub na binigyan na ng basbas ni Lola Nidora dahil sa pagiging masunurin ng dalawa.
   
Hiyawan din ang audience sa palitan ng mensahe nina Alden at Maine.  At bago nagsayaw ang dalawa na animo’y debut, kinuha ni Alden ang kanyang bitbit na bed box kung saan nakalagay ang isang silver-pair ng sapatos na naiwanan ni Yaya Dub sa pagmamadali sa isang bahagi ng kalyeserye.  Buong giliw na isinuot ni Alden ang sapatos kay Maine (ala-Cinderella) at saka sila sumayaw.
   
Napakaguwapo ni Alden sa kanyang suot na tuxedo at napakaganda naman ni Maine sa kanyang ayos at kasuotang gown.
   
Agaw eksena naman si Jose Manalo nang pumasok in an expensive white car at  tawanan ang lahat dahil nakapalibot sa kanyang suit at pantalon ang iba’t ibang logo ng mga sponsors ng palabas bilang casual acknowledgement sa kanilang suporta sa no commercial interruption “Eat Bulaga: Tamang Panahon” grand show.
   
Bago nagtapos ang palabas ng “Eat Bulaga” ay ina-anunsiyo ni Joey de Leon na umabot ng halos P14M ang kinita ng ticket sales na 100%mapupunta sa pagpapagawa ng iba’t ibang AlDub Libraries sa buong kapuluan at ang pagtulong sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong Lando.
   
Bukod sa entertainment at charity component ng palabas, muling nakapagtala ang #AlDubEBTamang Panahon sa Twitter ng may pinakamaas na record na umabot ng 39.5M at nasira nito ang record na pinang-hahawakan ng laban ng World Cup  game sa pagitan ng Brazil at Germany  noon 2014 na umabot ng 35.6M tweets.  Idagdag pa rito ang pang-Guinness Book of World Records na biggest attendance in an enclosed venue surpassing the record na pinanghahawakan ng “Felix Manalo” grand premiere night dahil sold-out ang 55,000-seater arena days matapos i-announce ng “Eat Bulaga” ang kanilang big day last Saturday, October 24.  
   
Ang phenomenal success ng AlDub at Kalyeserye ng “Eat Bulaga” ay mahirap na sigurong ma-duplicate kailanman.