6,214 guests

Positive

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2253
Piolo Pascual Piolo Pascual
Claudine Barretto
Claudine Barretto

In-announce na ni Direk Wenn Deramas sa Ins-tagram (IG) ang pagbabalik-pelikula ni Claudine Barretto. Pinilit Kong Limutin Ka ang title at produced ng Viva Films. Sabi ni Direk Wenn, si Claudine ang kauna-unahan niyang baby.
   
Natuwa ang fans ni Claudine sa ibinalita ni Direk Wenn at ang request nila, si Piolo Pascual ang ipareha kay Claudine sa pelikula. Mangyayari ito kung co-producer ng Viva Films ang Star Cinema. Ang isa pang request ng fans, gumawa na ng teleserye sa ABS-CBN si Claudine.
   
Nag-thank you si Claudine sa mga positive comment ng kanyang fans sa balitang gagawa na uli siya ng pelikula. Hindi pa sinabi kung kailan ang shooting at kung sino ang makakapareha ni Claudine sa comeback movie nito.

* * *

Hinihintay ni Miguel Tanfelix ang result ng kinuha niyang National Achievement Test o NAT sa school niyang Cavite School of Life para mag-enroll sa College. Gusto nitong kumuha ng Engineering sa college at gusto rin niyang maging pilot. Sa March 23 ang graduation ni Miguel sa high school at mas sasaya ito kung dadalo si Bianca Umali sa graduation niya.
   
Anyway, bukod kay Luigi Revilla na bagong dagdag sa cast ng OUAK bilang kaibigan ni Prince (Miguel), kasama na rin sa cast sina Tina Paner as Sofia, kaibigan at katrabaho ni Aurora sa canteen (Manilyn Reynes); Ramon Christopher as Simon, instructor ni Aurora sa Manila; Nicole Dulalia as Lily, maarteng classmate ni Ella (Bianca), Jenny Alvarez as Amber, close kay Lily at Rosemarie Sarita as Aling Betang, owner ng canteen na pinagtatrabahuhan ni Aurora. 
   
Samantala, may mall show  ang cast ng Once Upon A Kiss ngayong Sunday, 6 p.m., sa SM Dasmariñas. Magkakasama sina Miguel, Bianca Umali, Betong Sumaya, Sabrina Mann at Miggy Jimenez na magpapasaya sa fans.

* * *

May lumabas na picture sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion na magkasama, pero hindi sila magkatabi. Si LJ Reyes ang katabi ni Sam at kaibigang babae ang katabi ni Jasmine, walang nagtsika kung nagbatian ang dalawa.
   
Ang kapatid na si Anne Curtis ang sinisisi sa break-up ng dalawa at ipinagtanggol siya ni Jasmine. Wala pang lumalabas na rason kung bakit nag-break sina Jasmine at Sam dahil walang nagsasalita sa kanila.
   
Big hit pala si Jasmine sa UST nang dumalo sa kick off party ng USTv XI Students’ Choice Awards. Nominated siyang Students’ Choice of Variety Show Host para sa unang hosting sa SPINNation. Kalaban ni Jasmine si Toni Gonzaga.
   
Samantala, si John Wayne Sace ang naalis sa last week episode ng Move It! Clash of the Streetdancers hosted by Jasmine and Tom Taus. Napapanood ang dance competition, 8 p.m., sa TV5.

* * *

Masaya si Juancho Triviño dahil may bago siyang show, kasama siya sa cast ng InstaDad  na magpa-pilot sa March 22 after Sunday All Stars.
   
Role ni Dwight ang kanyang pino-portray, mabait at loving BF ni Mayumi (Ash Ortega). Ibinabalik ng GMA-7 ang tambalan ng dalawa na unang napanood sa My Destiny.
   
Excited din si Juancho na makatrabaho si Gabby Eigenmann at alam na marami siyang matututunan sa aktor.
   
“Na-meet ko na si Kuya Gabby before. He is very jolly and light katrabaho. Hindi siya intimidating kasama. Matutulungan niya kami. He will guide us, lalo na ako dahil gusto kong maging versatile actor na puwede sa drama at comedy at ganu’n si kuya Gabby. Later on, gusto ko rin i-try ang action,” sabi ni Juancho.

* * *

Kasama sa mga tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho this Sunday ang pakikipaglaban ni Jam Sebastian sa lung cancer. Samahan si Jessica Soho sa pagre-reminisce sa naging buhay ng Youtube sensation.
   
Sisilipin din ni Jessica ang audtion sa musical version ng Bituing Walang Ningning na naghahanap sa gaganap na Dorina Pineda na ginampanan ni Sharon Cuneta sa pelikula.
   
Tampok din ang mga barangay tanod sa Draga, Albay. May driver ding nakahanap ng 5 kilograms pearl worth $10 million kung ibebenta.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.