7,744 guests

Kaye, tinakbuhan ni Aljur ng P1.3M

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 942
Kaye Dacer Kaye Dacer

MAY pagkakautang pa pala ang aktor na si Aljur Abrenica sa radio anchor at ngayon ay presidente ng 8 Trimedia Broadcasting Company na si Kaye Dacer. Ito ang inamin ni Kaye sa aming interview sa kanya recently.

Hindi pa raw nababa-yaran ni Aljur ang balan-seng umaabot pa ng P1.3M mula sa nabili nitong bahay sa kanya noong 2011.

“Ang masakit lang do’n, hindi naman ’yung pera, eh… ’yung you completely stop communicating with me as if nothing happened, ’di ba? Nanahimik ako, ang tagal kong nanahimik, eh.

“Kasi para bang… ayoko namang umabot ako sa punto na para akong namamalimos sa halagang ganu’n lang when you know very well your responsibility, ’di ba? Wag naman sana akong dumating do’n sa punto na para akong mamamalimos.

“Kasi  the very fact na binarat na nga ’yung bahay, kasi P32M ko dapat ibibenta ’yon, eh, parang degrading na on my part, eh. In the first place, hindi ko naman isinubo sa kanila ’yung bahay ko kasi nu’ng nakita nila ’yon, nagustuhan nila ’yung bahay. So ’yon lang, parang masakit lang,” dire-diretsong pahayag ng tinaguriang Action Lady ng Philippine radio.

Idinagdag din ni Kaye na maging ang transfer tax ay siya na rin ang pinagbayad ng pamilya ni Aljur.
   
“If P19M ang napagkasunduan na ’yon less pa ’yung mga transfer taxes and all, less pa ’yung commission na naibigay ko sa ibang tao, magkano na lang ’yon? Less pa ’yung P1.3M na hindi mo nababayaran, so, P17M na lang ba ’yung value ng bahay ko?” pahayag pa ni Kaye.
   
Wala na ba siyang balak singilin ang actor?
   
“Ang sa akin lang, I want him to realize that he still owes me. ’Yon lang ang sa akin. Sana naman maisip niya na may responsibilidad pa siyang natakbuhan na napakatagal nang panahon.
      
“Hindi kasi ako naniningil, eh. Hindi ako naghabla.”
   
Samantala, naging maayos ang pag-alis ni Kaye sa ABS-CBN at sa programa Aksyon Ngayon ng DZMM noong December of 2016. Ano ba ang adjustment ngayong presidente na siya ng sariling broadcasting network kumpara noong anchor lang siya ng isang radio program?
   
“Sobrang hirap. Hindi ko akalain na… kasi doon (DZMM) sarili ko lang, ’yung mga taong tinutulungan ko lang ang concern ko, eh. Pero dito sa 8 Trimedia at DZRJ, lahat ng taong nasa loob ng network concern ko ’yon, ’di ba?
   
“Kumbaga, I have to deliver. Doon sa Aksyon Ngayon, I have to deliver lang in one hour. Dati-rati  ako ’yung taga-sunod lang. Dito hindi naman ko sila pinapasunod because they have their freedom, pero ako ’yung at the helm, kaya parang hindi ka puwedeng magkamali at hindi mo puwedeng hindi mapagta-gumpayan ang network,” pagtatapos ni Kaye.