5,791 guests

Patay sa onsehan sa droga

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 289

ng ice pick sa dibdib ang isang 25-anyos na vendor ng da­lawang lalaki na kanyang katransaksiyon matapos nitong mabu­king na kulay puting menthol candy sa halip na shabu ang laman ng  heat-sealed plastic na iniabot sa kanya kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Rommel San Jose, taga-Jose Abad Santos Avenue, Hermosa St., Tondo, Maynila, dahil sa saksak ng ice pick sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa may panulukan ng Oroqueta St. at C.M. Recto Avenue sa likuran ng Philippine Rabbit Bus Station sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Michael Flores, 28, taxi driver ng ‘Jayveeron’ na may plakang ATA-8399 at taga-59 Casimiro St., Arty  Subdivision, Valenzuela City, sumakay umano sa kanya ang biktima sa may D. Jose St. at nagpahatid  sa may Abad Santos, Tondo, pero bago pa sumapit sa  nabanggit na lugar ay pinapunta muna siya ng biktima sa  may Oroqueta St.

Pagdating sa lugar  ay inabutan ng biktima ang dalawang suspek na noon ay nakaupo pa sa loob ng kanyang taxi at nagsalita ng “dito mo na lang iabot.”
   
Gayunman, maya-maya ay narinig ng suspek na may  kumalabog sa back seat ng taxi at dito niya nakita ang isa sa suspek na may hawak ng ice pick habang nahihirapan na­mang huminga ang biktima kaya kaagad niya pinaharurot ang taxi at dinala sa hospital ang biktima.