8,280 guests

Programang tututok sa laban ng ‘Ma’Rosa’ sa Oscars, binuo

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 407

legit kaya ang isang picture na pinost ni Jake at ng kapatid nitong si Jerica Ejercito na kasama ni Ellie ang grandparents niyang sina Manila Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez? 

Ang caption ni Jake sa picture ay, “Last night was a good night,” na ibig sabihin, nagkita nga ang tatlo.

Samantala, nanawagan si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra na tulungan ang Ma’Rosa, entry ng Pilipinas sa Oscars 2017, at ipinaalam ang pagbuo ng Golden Statue Assistance Program na tututok sa pagtulong sa pelikula.
   
Naniniwala si Liza na malaki ang tsansa na makapasok bilang isa sa nominees ang Ma’Rosa dahil nanalong best actress sa Cannes Film Festival ang bida nitong si Jaclyn Jose.
   
Idagdag pa ang positive feedback ng movie sa ibang bansa.
   
“Let’s all work together and help Ma’Rosa, our PHILIPPINE ENTRY to the 89th Academy Awards, get nominated in the best foreign language film category,” panawagan ni Liza.

* * *

Ngayong araw na ang simula ng showing ng The Escort, ang pinakaseksing pelikula na ginawa ni Lovi Poe.
   
’Pag pinanood niyo ang Regal Films movie, malalaman ninyo kung bakit “hot” ang description ni Derek Ramsay sa aktres at kung bakit nasabi niya na kahit hindi malaki ang boobs ni Lovi, super hot pa rin ito.
   
Sabi pala ng katabi namin sa premiere night na si Leo Bukas, nasilip niya ang right nipple ni Lovi sa love scene nila ni Derek.
   
Wala kaming nakita dahil mabilis ang camera. Saka ang alam namin, sobra ang pag-alaga ni Derek kay Lovi para hindi ito makitaan, lalo na ng boobs.
   
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang The Escort at Rated 13 without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).  Bukod sa love scenes, mapapansin ang beautiful cinematography ng movie na mula sa direction ni Enzo Williams.
   
Bida rin dito si Christopher de Leon at nasa cast sina Jean Garcia, Rommel Padilla at Albie Casiño.

* * *

Kabilang na sa pamilya ni Carla Abellana kung ituring ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez dahil sa important family event ng family nina Carla, laging present ang aktor hindi lang bilang bisita, kundi member ng pamilya nila.
   
Nitong nakaraang Undas, sa bahay nina Carla sa Tagaytay nagbakasyon si Tom kasama ang pet dog niyang si Bubbly.
   
Right place ang Tagaytay para makapag-relax si Tom sa taping ng Someone to Watch Over Me na laging mabibigat  ang mga eksena.
   
At least, pag-resume nila ng taping, nakapag-recharge na siya.
   
Natatandaan naming sa European vacation nina Carla, kasama rin si Tom at it gave him the chance to know his GF better at maging close sa pamilya nito.
   
Nabanggit din ni Carla na naaawa sila kay Tom dahil malayo ang pamilya at ang tinuturing lang na pamilya ay ang manager niyang si Popoy Caritativo.
   
Kaya parang in-adopt na nila si Tom at isinasama sa mga lakad nila.