7,821 guests

Jodi, bitbit ni Jolo sa b-day ni Bong!

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 657

WALANG awkward moment na namagitan kina Edu Manzano at Cheska Mendiola, dating girlfriend ng kanyagn second son na si  Adi and daugther ni Bacoor Councilor Rowena Mendiola, eldest sister ni former Sen. Bong Revilla, when they bumped into each other sa birthday party ni Bong last Friday.

Nag-kiss pa nga sila sa cheek.

Ipinakilala ni Cheska kay Edu ang kanyang bagong boyfriend, upcoming GMA7 talent Juancho Trivino.
   
Kabilang si Edu sa iilang taga-showbiz na bisita ni Sen. Bong. Mas maraming mga politicians at kaibigan na nakita kami sa party which the former senator’s family, headed by wife, Bacoor Mayor Lani Mercado, and some friends organized for his 50th birthday.
   
Yes, Golden Boy na si  Bong.
   
Among Bong and Edu’s colleagues na nakita namin sa party ay sina Ricky Davao, Bayani Agbayani, Tirso Cruz III, Lorna Tolentino at Phillip Salvador.
   
Of course, ibilang na rin natin ang mga singer na sina Marco Sison at Mark Bautista na parehong imbitado ni Lolit Solis para kumanta.
   
Umawit din later sina Tirso at Ricky. At nag-duet sina Bong at Lani.
   
Umawit din si Manila Mayor Erap Estrada ng kanyang paboritong kanta na Kahit Na Magtiis.
   
Later, he did a short talk for Bong. Hope daw niya na sooner than expected, he and son Jinggoy Estrada, ay makalabas na ng PNP Custodial Center, where for two years, they have been detained.

* * *

CLOSE palang kaibigan ni Bong si former Tacloban Congressman Martin Romualdez, ganun din si General Berroya at ilan pang kilalang politicians.
   
Sabay-sabay ding du-mating ang mga anak ni Bong kabilang na  si Inah who came with her husband and children.
   
Naka-base ang mga ito sa Davao City. At naitanong namin kay Ina kung totoong may death squad sa Davao.
   
Well, sagot niya, balita raw na mayroon, pero di napapatunayan at waring urban legend lang daw ito.
   
Guess who was with Vice Gov. Jolo Revilla na dumating? His girlfriend Jodi Sta. Maria, with whom he had a falling out sometime back.
   
Tinanong pala namin ang panganay ni Bong na si Bryan kung bakit wala yata si Dionne Monsanto, former PBB housemate at kasama sa cast ng Tubig at Langis. Nakangiti niyang sagot, “Friend ko lang talaga siya.”
   
Well, balita kasing the two are singing beautiful music together.
   
Bukod nga pala kay Mother Lily, dumalo rin ang ilang executives ng GMA7 who all assured Bong na once he gets freed, all h e has to do is give them the go-signal and they will prepare a project for him.
   
Happy birthday, Sen. Bong.