5,955 guests

Kris, goodbye Dos, hello Siyete na!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 535

Megan, hindi palaayos

Binasag na ni Kris Aquino ang katahimikan sa mahabang posts niya sa kanyang Instagram account. Komo walang kongkretong plano ang network na pinagsilbihan niya ng maraming taon, gumawa na siya ng hakbang upang maipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Sa bahagi ng post ni Kris, lumipat na siya sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera. Wala pa namang detalye kung ano ang gaga-win niyang TV show pero may pahaging siya na sa September 22 ang simula ng taping niya.
   
Dalawang anak ang binubuhay ni Kris kaya kailangan din niyang kumayod. Eh, galing naman siya sa GMA bago siya napunta sa Dos, so nagbabalik lang siya sa dati niyang bahay, huh!

* * *

NEVER pumasok sa isipan ni Megan Young na siya ang unang Miss World ng bansa. Nakatulong din kasi ’yon upang magbago siya for the better at maging confident sa sarili.
   
“Mas engaging din ako ngayon. Dati kasi, masyado akong mahiyain. At least ngayon, nawala na ’yung pagiging mahiyain ko,” sabi ni Megan nang makausap ng press sa bago niyang series na Alyas Robin Hood bilang kapareha ni Dingdong Dantes.
   
Pero sa batch niya sa Starstruck 2, siya ang masasabing pinakasikat ngayon, huh!
   
“Huh? Hindi! Hindi! Iba-iba kami ng pathway,” rason niya.
   
Ka-batch niya sina Ryza Cenon at LJ Reyes. Pero mapangahas ngayon si LJ sa ginagawang movies. Kaya niya ba ’yon?
   
“We’ll see! Saludo talaga ako sa kanya. Lagi kong sinasabi kasi naka-work ko siya sa Marimar. Sabi ko, ‘Grabe. Hindi ko ma-imagine ’yung ginagawa niya but sobrang saludo ako sa dedication niya.
   
“Kasi you barely see someone as dedicated as that. Parang rare breed but... Galing niya!” katwiran ni Megan.
   
Pagdating naman sa sarili, kahit marami ang nagagandahan sa mukha niya, aminado siyang hindi palaayos.
   
“Napapagalitan nga ako minsan, eh. Tuwing may event like presscon. Hindi talaga ako palaayos. Pero ’yung everyday ko, salamin, cap, ganoon lang. Minsan, ‘Hoy, mag-ayos ka naman. Beauty queen ka.’ Nag-i-expect sila.
   
“Eh, that’s how I deal more with myself,” sabi niya.
   
Teka, nakatanggap ba siya ng indecent proposal nu’ng reign niya?
   
“No! I don’t put myself in that position! Baka ma-Alyas Robin Hood ko sila! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Megan.
   
Kapareha man siya ni Dong sa ARH, makakatunggali naman niya si Andrea Tores sa paseksihan. Mula ito sa direksyon ni Dominic Zapata at sa September 19 na ang simula.