5,110 guests

Yeng, may K na ba?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 496
Yeng Constantino Yeng Constantino

YENG Constantino celebrates her first decade in showbiz.

Mula nang manalo ito bilang kauna-unahang grand champion ng Pinoy Dream Academy noong 2006, nagtuloy-tuloy na ang kanyang magandang kapalaran bilang recording artist. Her hit song "Hawak Kamay" became the signature song of Pinoy Big Brother. From one hit to another, Yeng has become a certified hitmaker. And she has even succesfully conquered the concert stage.

To date, she holds the record as the first singer to hold an interactive online concert. Siya rin ang unang singer-composer na itinampok sa ASAPinoy. May ilan kaming kaibigan sa panulat ang nagtaas ng kilay dito. Dahil mas marami pa raw na más deserving kaysa sa kanya. She is in the same breath with Jose Mari Chan and Ogie Alcasid based on ASAP's standards. Sa kabilang banda, hindi nga naman basehan ang edad o haba ng panahon sa showbiz. Yeng is a consumate artist.

Yeng is lucky to have a management team that makes her relevant to this generation. Sa ngayon, isang musical na hango sa kanyang mga kanta ang nakatakdang ipalabas ng PETA - ito ang Ako Si Josephine. At siya rin ang isa sa mga judge ng Pinoy Boy Band Superstar, ang pinakabagong talent search ng Kapamilya Network. Mapapansin na consistent ang kanyang kasikatan sa loob ng sampung taon. Kahit may asawa na siya, patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng kanyang mga Yengsters.

Totoo na sadyang 'di matatawaran ang kanyang talent. Pero sapat na ba ang naiambag niya sa music industry  para ihanay siya sa mga OPM Icon gaya nina Chan at Alcasid? Just asking...

ELMO, MAY KULANG?

ELMO Magalona's ticket to showbiz is his being showbiz royalty.
   
As son of the late Master Rapper Francis Magalona, Elmo is expected to be as talented as his dad. Pero unfair na ikumpara siya sa kanyang ama. Dahil may sarili naman siyang talent. Bata pa naman siya kaya may time pa para ma-improve ang kanyang talent sa singing at acting.
   
Speaking of acting, Elmo hardly shows improvement in acting as shown in his teleserye Born For You opposite Janella Salvador. Tawang-tawa kami sa comment ng isang kaibigan: Na mas magaling pa raw umarte si Elmo ng Sesame Street sa kanya. Totoo naman dahil ilang beses na naming napanood ang nasabing teleserye. Kulang sa feelings ang mga emosyon na kanyang ipinapakita. Tuloy hindi siya nakakasabay sa husay sa pag-arte ni Janella. Maging sa kanyang pagkanta at pagsayaw sa ASAP, kulang din sa hugot. Parang may kulang.
   
Masaya ba siya sa kanyang pagiging artista? Just asking...
   
On Aug 30, 2016 10:04 AM, "Joey Aquino" wrote:
   
Thanks Eugene!