4,832 guests

Naghamon!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 440

Alex at Joseph, kinarir ang romansahan

NAGHAMON si Direk Antoinette Jadaone sa isang Twitter account quoting her, “Camp Sawi! ’Pag ’di n’yo nagustuhan isosoli ko ang bayad! Ganu’n siya kaganda!” 

In fairness, usap-usapan sa ganda ang movie na pinagbibidahan nina Bela Padilla, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina at Arci Muñoz.  Palibhasa Grade A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board, marami  tuloy ang naging curious na panoorin ang Viva at N2 Production movie.

Nakakatawa at sobrang galing daw nina Bela at Arci. Kering-keri nilang gawin mga hugot scene nila and at the same time, nakaaaliw, huh!
   
Eh, kahit mas nang-iintrigang mas magaling kay Jadaone ang director ng movie na si Irene Villamor, kanya pa ring inendorso na panoorin ang Camp Sawi, huh!
                                                                        ***

NAGBABALIK ang tambalan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco na unang nagpabilib sa local TV adaptation ng Koreanovela na Pure Love. But this time, sa Regal Entertainment movie na My Rebound Girl.
   
Full-pledged leading man sa pelikula si Joseph na tanging sa mga TV show naging bida at ang remarkable ay ang Pasion de Amor. Si Alex naman, naging second lead na rin sa Praybeyt Benjamin at  isa sa lead actresses ng horror-comedy film na Buy Now, Die Later.
   
Sa MRG, magpapainit ngayong tag-ulan sina Alex at Joseph. Naging saksi nga ang Cordillera Mountains at bundok sa  Baguio City sa romantiko nilang eksena nu’ng syinut nila ang movie. 
   
Bilang paghahanda sa kani-kanilang roles, sumailalim sa maraming workshops sina Alex at Joseph upang tumodo sila sa kanilang lambingan sa MRG na mapapanood na sa last week of September.

* * *

HINDI natatakot si Direk Maryo J. delos Reyes sa kumpetisyon. Eh, kaabang-abang ang bago niyang obra sa GMA na Someone To Watch Over Me dahil isa itong adult-drama kaya nandiyan na naman ang mga susubaybay sa gawa niya kung magri-rate ito.
   
Ayon kay Direk Maryo, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang magandang mensahe ng proyekto upang magsilbing inspirasyon ito sa televiewers.
   
“Basically, you’ll be concerned sa competition. Pero siguro dahil sa tagal ko at tanda na sa industriya, ang importante sa akin ay maglahad ng isang kuwento in the best way I can. So competition will always be there. We just had to do the best every time sa paglalahad ng kuwento,” rason ng premyadong director.
   
Bida sina Lovi Poe, Max Collins at Tom Rodriguez kung saan naghati sa kaligayahan ang tunay na asawa (Lovi) at ex-girlfriend (Max) ng asawa (Tom) upang malunasan ang karamdaman ng lalaki.