4,787 guests

Kamera ni James, puno ng litratong tulog si Nadine

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 469

PABORITONG kunan ng picture ni James Reid ang girlfriend na si Nadine Lustre kapag natutulog. Marami raw siyang shots ng iba’t ibang anggulo ni Nadz na nakatago sa kamera niya although marami rin siyang kuha sa mga biyahe nila abroad.

Ibinisto ito ni James sa launching niya bilang Fuji Philippines ambassador sa Luxent Hotel kahapon. Tanging sila lang ni Bea Alonzo ang kinuhang artista ng company.

“We are very excited and optimistic to embark on this partnership with James,” saad ni Takuya Maeda, Fujifilm Philippines division head for electronic imaging and photo imaging.

Nagsimula ang hilig ng young actor sa photography nang ginagawa niya ang series na On the Wings of Love.

Dahil sa kamera, kanya ring naa-update ang fans sa engagements niya sa showbiz at mga biyahe.
   
Sa press launch, inanunsyo rin ng Fujifilm ang bago nilang produkto, ang X-A3 at X-T2 mirrorless cameras at ang instax Share SP-2.
   
Siyempre, si Nadine ang gustung-gustong kunan ng picture ni James.

* * *

NAILANG si Julie Anne San Jose nang agad tanungin sa kanya si Benjamin Alves sa one-on-one interview sa kanya after ng presscon ng 1st anniversary ng kinabibilangang show na Sunday PinaSaya.
   
Anminado ang Asia’s Pop Sweetheart na patuloy pa rin ang dating nila ni Benjamin. Pero hiniling niyang sarilinin na lang kung saan sila nagdi-date.
   
“We don’t have to publicize everything naman. And there are things na gusto naming i-keep sa sarili namin.
   
“We’re not gonna lie. We don’t have to hide. Sinabi naman namin before na what you see is what you get,” katwiran niya.
   
Ayaw niyang detalyihin kung paano nanliligaw si Benj sa kanya. Ang mahalaga is okey ito sa kanyang pamilya.
   
“Kasi before, feeling ko, I wasn’t ready kasi marami pong siyempre, maraming kailangang priorities. School and at the same time, nagtatrabaho rin ako and I wanted to make my parents proud,” tugon ni Julie Anne.
   
Pasok daw sa right timing si Benjamin lalo na’t tapos na siya ng kolehiyo. Eh, ang latest, pagsasamahin sila sa isang drama series ng Kapuso actor.
   
“Yes po. Saka pinag-usapan namin ’yon and I don’t think magkakaroon ako ng problema working with him. Okay naman po kami. We get along. Magkakaroon kami ng series of workshops. We’re gonna make sure na ma-execute nang mabuti ang roles, characters namin,” saad pa ng Asia’s Pop Sweetheart.
   
Balita ni Julie Anne, isang remake ng movie ang konsepto ng TV series nila ni Benjamin.

* * *

ANG love story ni Buboy Villar sa foreigner girlfriend ang feature tonight sa Magpakailanman, ang The Buboy Villar and Angilyn Gorens Love Story.
   
Eh, hindi rin pala biro ang pinagdaanan ng Kapuso actor bago mapaibig ang babae lalo na’t may hadlang sa pagmamahalan nila.
   
No less than Bb. Joyce Bernal was tasked to direct the unusual love story at personal nilang gagampanan ang roles nila.