5,914 guests

Aga, na-miss gumawa ng pelikula

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 467
Aga Muhlach Aga Muhlach

Six years na nawala sa ABS-CBN si Aga Muhlach but finally, he’s now back home again sa istasyong 19 years din niyang naging tahanan. Pormal nang inanunsyo ng Kapamilya network last Thursday that the award-winning actor and the original heartthrob will be one of the judges in a new reality show, ang Pinoy Boyband Superstar at kasabay nito ang pag-bibigay sa kanya ng isang solo presscon.

Sa nasabing presscon ay nakakatuwa ang napakainit na pagtanggap ng entertainment press kay Aga. Lahat ay nagkagulo sa pagpapa-picture sa kanya after the Q&A at isang malinaw na senyales talaga ito na na-miss ng industry ang aktor.

Maging si Aga ay masa-yang-masaya sa kanyang pagbabalik at muling makita ang mga kaibigan at staff na matagal na nakatrabaho sa ABS-CBN.

“This is my first day (after 6 years), first day ulit akong makahawak ng mikropono, first day akong makunan ng picture, first day akong mai-interview kaya medyo naiilang ako. But it’s just nice to see some of the old faces here, mga kaibigan ko from the press din. Masaya, masayang araw,”  bungad ni Aga sa presscon.

Ratsada nga agad siya nang araw na iyon. Lunch time pa lang daw ay nasa ABS-CBN na siya at pumirma ng kontrata at tuloy-tuloy na siya hanggang presscon sa gabi.
   
“I did VTR, nag-take na ako ng mga spiels, may pictorial, and then here, nagsasalita ako sa mikropono sa inyo, pagod na pagod. But it’s fun, masayang-masaya ako, I’m very focused.
   
“Sabi ko nga, nu’ng sumagot ako sa paggawa ng show na ito, sabi ko nga,  you can expect 100% from me, so I’m really giving my 100% here,” he said.
   
Aminado naman si Aga na it took him a couple of weeks to decide kung tatanggapin ang offer na show ng  ABS-CBN.
   
“I’m kinda tired of working, I got burn-out already and I was living and enjoying the regular life, really having fun with it.
   
“But then, one day, it dawned on me na parang I’m 46, I just turned 47, I was 46 that time, I said, parang it’s too young for me to retire, I don’t mind really, but then, parang mayroon pa akong gustong gawin. Kaya lang, hindi ko na alam.
   
“Parang hindi ko na alam kung paano ako papasok, paano ako babalik, ano ang gagawin ko. Ang alam ko lang talagang gawin talaga, ang hilig ko is pelikula,” pahayag ni Aga.
   
Hanggang sa dumating na nga ang offer na Pinoy Boyband Superstar. At dito niya naisip na ito na nga siguro ’yung hinahanap niya.
   
“Because it’s light, it’s different, there’s not so much pressure because there’s 4 of us (na judges), sabi ko, that’s the best way, I guess, to make a comeback sa ABS-CBN.
   
“So, I’m just happy to do the show because again, it’s not focused on me, but this time, parang you wanna give back. Parang you mentor these young kids now. Tulad nga ng napag-usapan, parang makita mo naman ’yung destiny nila, kung paano sila mag-uumpisa, lahat ng pangarap nila, sisikat sila, dadaanan nila ‘yung naranasan ko sa buhay.
   
“So, it’s nice to start something off like that. So, I’m just very happy to have decided to do the show,” say ni Aga.
   
Bukod pa diyan, ang maganda pa raw ay magaan pa rin ang schedule niya.
   
“Kaya pasalamat pa rin sa Diyos talaga, when they told me about the schedule of tapings, masyadong magaan siya. So, parang hindi rin ako malalayo rin sa mga anak ko. I will be working but I can still have my normal life, which is really good. So what more can I ask for talaga,” sey pa niya.
   
Pero aminado rin si Aga na sobrang na-miss niya rin ang gumawa ng pelikula.
   
“If there’s one thing that I really miss, it’s to do a film again. And this TV show naman gives you that energy, iba ’yung live, iba ‘yung ganito, so I’m really excited, really, God is good, parang after 6 years, 4 or 5 years of not doing anything, biglang eto ‘yung darating sa akin.”
   
Pagdating sa paggawa ng pelikula ay lagi naman daw nandiyan ang Star Cinema and always in touch naman daw siya with Malou Santos na head ng nasabing produksyon.
   
“Kaya lang it’s just that, parang it’s always schedule (ang problema), plus ‘yung weight issues, of course, like you’re overweight and parang “how do I diet if there’s no challenge?” parang you try to lose weight, on your first month, you’re losing it. Second month, you let go again because you’re living a normal life,” he said.
   
May ibinigay daw na script sa kanya ang Star Cinema nang araw na iyon at babasahin pa raw niya.
   
“So, pag naayos lahat ’yun and if the schedule permits, then...”
   
Malapit nang magsimula ang Pinoy Boyband Superstar, isang talent search na maghahanap ng ng musically talented male teens na bubuo sa kauna-unahang uniquely Pinoy boyband sa bansa.