5,547 guests

Rapist timbog sa pulis

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 1093

NADAKIP ng mga pulis sa Indang, Cavite ang isang rapist makaraang maisumbong ito ng mga residente na nakakita sa kanya sa lugar.
   
Nakilala ang suspek na si Joshua Saraza, 20, construction worker ng Bgy. Daine 1, Indang, Cavite na akusado sa kasong panggagahasa at may kasong nakasampa sa tanggapan ni Judge Lerio Castigador ng RTC Naic, Cavite Branch 15.
   
Alas 12:30 ng tanghali nang madakip ang suspek ng mga pulis sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Juan Penafiel Oruga, Jr., OIC ng Indang PNP, sa tulong ng barangay intelligence na nagpapasalamat naman sa mga residente na siyang nagsumbong sa barangay.
   
Walang piyansa ang inirekomenda para makalaya ang suspek.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.