6,375 guests

Tangkang pagpapasabog sa City Prosecutor’s Office sa Batangas napigilan

  • Written by Zaida delos Reyes-Palanca
  • Published in Provincial
  • Read: 482

NAPIGILAN ang tangkang pagpapasabog ng hindi pa nakikilalang suspek sa City Prosecutor’s Office kahapon ng umaga sa San Juan, Batangas matapos na makunsensiya ang kasamahan ng salarin at balaan ang isang empleyado sa naturang tanggapan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong  alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng text message si Associate City Prosecutor Lilibeth Aguila Y Javillo mula sa numerong : 09976922173 at sinabing may magaganap na pagsabog sa tanggapan.
   
Ayon sa sender, kasama umano siya ng isang akusado na naglagay ng pasabog sa tanggapan at nag-aalala sa mga taong madadamay.
   
“Gud morning sa inyo mga fiscal at sa mga judge dyan sa bulwagan ng katarungan may inilagay ang ksamahan ko na bomba dyan sa loob at sa inyong building. Nakabalot sa supot at sa kahon. Kung makapagsalita kayo sa kagaya namin akusado kala nyu totoo…. ngayon 9:30 ng umaga may sasabog dyan….. nag alala lang ako sa inyo madadamay pati walang alam…. dapat lang sa inyo yan. Wag nyu babaliwalain kawawa ang mga inosente.” Nakasaad sa text message.
   
Agad namang ipinagbigay alam sa pulisya ni Aguila ang natanggap na mensahe dahilan upang magtungo ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasama ang kanilang K9 unit at Bomb Squad ng Batangas Provincial Police Office (PPO) at halughugin ang lugar.
   
Sa tulong ng K9 unit, natagpuan ang isang granada na nakalagay sa supot ng basura sa likurang bahagi ng Public Attorney’s Office (PAO), Hall of Justice, Pallocan West, Batangas City.
   
Agad na kinuha ang naturang granada at idinaan sa karampatang proseso upang hindi na makapaminsala pa.
   
Sa kasalukuyan,  idineklara nang ligtas ang lugar at pinabalik na rin ang mga natarantang empleyado.
   
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung sino ang may gawa ng insidente.