7,616 guests

Sylvia, kayang talikuran ang showbiz para sa pamilya

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 651
Sylvia Sanchez Sylvia Sanchez

SA trailer pa lamang ng “The Greatest Love,” ang pinakabagong family drama TV series na pinagbibidahan ng seasoned actress na si Sylvia Sanchez ay marami na ang curious na ito’y mapanood sa ere simula sa Lunes, July 18 (before “TV Patrol”) dahil sa napakatotoong tema ng serye na nangyayari sa tunay na buhay.  Ipakikita sa nasabing serye ang mga pag-hihirap at pagiging matatag ng isang ina alang-alang sa kanyang mga anak.

Although napakarami nang serye ang sinalihan at ginawa ni Sylvia, una niyang maging bida sa “The Greatest Love” kung saan niya makakasama bilang mga anak sina Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor at Andi Eigenmann.  Ito’y magka-tulong na pinamamahalaan bilang mga director na sina Dado Lumibao at Mervyn Brondial with award-winning script-writer Ricky Lee as creative director.

Ayon kay Ricky Lee, naka-base sa tunay na mga pangyayari sa maraming pamilya at  ating kapaligiran ang “The Greatest Love”.  Inamin din ng batikang scriptwriter na kasama si Sylvia sa original short list na pinagpilian na kanilang kinunsidera sa papel ng matiisin na ina na si Gloria na magpapakita ng iba’t ibang character at emosyon.

In her 27 years in the business, aminado si Sylvia na challenging ang bawat role na ipinagkakatiwala sa kanya pero pinaka-challenging umano ang kanyang role bilang si Gloria sa “The Greatest Love” at nagpapasalamat siya sa patuloy na tiwala na ipinagkakaloob sa kanya ng Kapamilya Network na naging tahanan na niya ng maraming taon.

Inamin din ni Sylvia na kaya niyang talikuran ang kanyang acting career alang-alang sa kanyang pamilya pero mabuti na lamang at nakatagpo siya ng kanyang maunawain at supportive na asawa sa katauhan ng negosyanteng si Art Atayde.

DIMPLES, 13-YEAR MARRIAGE NA SMOOTH SAILING

THIRTY-one-year-old Dimples Romana got married at an early age sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Boyet Ahmee at meron na silang dalawang supling.
   
In her 13 years being married, mukhang smooth-sailing ang pagsasama nilang mag-asawa kasama ang dalawa nilang anak.
   
Natutuwa rin si Dimples sa pagiging supportive ng kanyang mister na si Boyet sa kanyang showbiz career.  Masaya rin ang aktres na hindi siya nawawalan ng magagandang projects sa bakuran ng Kapamilya Network na naging home studio na niya since 1997 nang gawin niya ang drama series na “Esperanza” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.
   
Unknown to many, si Dimples ay nagtapos ng dalawang kurso: BS Tourism sa UST at International Hotel Management major in Culinary Arts sa Enduron College.
   
Tulad ni Sylvia Sanchez, kaya rin ni Dimples balansehin ang kanyang papel bilang misis, ina at pagiging isang aktres.

KYLIE, EXCITED NA SA BAGONG KAPATID

PROUD ang ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla sa pagkakasali ng kanyang dalaga sa pinakamalaking teleserye ng GMA, ang requel ng “Encatadia” na unang napanood sa ere noong 2005.
   
Alam ni Robin na magagamit na rin ni Kylie ang kanyang skills sa pag-a-action dahil bilang isang Sang’gre, mapapasabak ang character ni Kylie na si Amihan sa maraming laban at digmaan.
   
Samantala, natutuwa rin si Kylie para sa amang si Robin at sa kanyang madrastang si Mariel Rodriguez dahil matutupad na rin ang kanilang pangarap na magkaroon ng baby na magiging pinaka-bunsong kapatid (sa ama) ni Kylie.

ANGEL, NO COMMENT SA LUIS-JESSY AFFAIR

WALANG planong makisawasaw si Angel Locsin sa pagkakamabutihan ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano  at ng Kapamilya young star na si Jessy Mendiola. For one, wala na sila ni Luis at wala umano siyang karapatan makialam sa affairs ng dating nobyo.  Sa part naman ni Angel, gusto niyang pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang sarili, ang kanyang pamilya at trabaho.  Naniniwala siya na somewhere out there ay may isang taong nakalaaan na dumating sa kanyang buhay na mamahalin siya unconditionally at makakasama niya habambuhay.
   
“It will come sa tamang panahon and in God’s perfect time,” ani Angel.

COCO, TAHIMIK PA RIN TUNGKOL KAY JULIA M

SAMANTALA, hindi ikinakaila ng “FPJ’s Ang Probinsyano” star na si Coco Martin na gusto niyang makatrabaho in the future si Angel Locsin either sa pelikula o sa isang telebisyon.
   
“Sana magkatotoo,” asam ni Coco na mukhang sikreto pa rin ang lovelife although marami ang nagsasasabi at naniniwala na may unawaan na sila ng “Doble Kara” star na si Julia Montes who is 14 years his junior.

JULIA B, MAY HINAHANAP ANG PUBLIKO

NANINIWALA ang mga tagahanga ng young star na si Julia Barretto na darating din ang tamang panahon na sisikad nang husto ang career nito tulad sa nangyari kina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Liza Soberano at maging si Julia Montes.
   
Malaki ang potential ni Julia (Barretto) na maging isang major star pero mukhang may hinahanap pa sa kanya ang publiko na tila wala sa kanya.
   
Kailangan ni Julia ng isang matinding project na siyang magiging pasaporte niya to stardom.  Kailangan din niya ng isang makaka-loveteam na tatatak nang husto tulad ng tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano at maging ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na kung tutuusin ay halos mga kapanabayang lamang niya.
   
Ipinareha na si Julia kina Enrique Gil (sa “Mirabela) at Iñigo Pascual (sa pelikulang “Para sa Hopeless Romantic” at TV series na “And I Love You So”) pero hindi ito kinagat ng publiko.
   
Sa rami ng mga young actors sa stable ng Star Magic, tiyak na may isang swak na makatambal ni Julia na kakagatin ng mga manonood.

IAN, DAPAT MAGSALITA NA TUNGKOL SA TSISMIS

BAKIT kaya naiintriga ngayon ang actor na si Ian Veneracion na hiwalay na umano sa kanyang misis of 22 years na si Pam Gallardo?
   
Mabangong-mabago kasi ngayon ang career ni Ian kaya siya binabato ngayon ng mga intriga.
   
Sa pagkakaalam namin, napaka-solid ng pagsasama ng mag-asawang Ian at Pam kasama ang kanilang tatlong anak.
   
Ian is a devoted husband kay Pam at ama sa kanilang tatlong anak na pawang lalake.
   
Para mawala na ang mga ispekulasyon ng maraming tao, dapat magsalita si Ian tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama ni Pam.