4,578 guests

Jeep driver nagma-masterbate habang nagmamaneho

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 216

ISA na namang public utility vehicle driver ang gumawa ng kalas-waan (nag-masterbate) sa harap ng kanyang 22-anyos na pasahero sa Pasay City.

Ayon sa report ng opisina ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton Jr., agad nadakip ng Pasay police si Jesse Veron Sewell, 41, ng P569-10 13th corner 16th St., Bgy. 183, Villamor, Pasay City, matapos ireklamo ng biktima na nilalaro umano ang kanyang ari habang nagmamaneho at tinititigan ito.
   
Nakuha namang i-video ng dalagita gamit ang kanyang cellphone ang kabastusang ginagawa nito habang bumibiyahe sila sa Pasay City nu’ng Biyesnes ng hapon.
   
Sa pahayag ng biktima, kahit nini-nerbiyos, pinilit nyan i-record ang insidente at agad bumaba ng makakita ng traffic enforcer at agad inireklamo sa Pasay police kung kaya’t nadakip agad ang suspek.
   
Nakakulong ngayon sa Pasay police ang suspek matapos sampahan ng kaso ng biktima ng unjust vexation.
   
Ayon kay Val Vijandre, ng LTFRB, naipadala na nila ang summon sa operator ng jeep na minamaneho ni Sewell.
   
Diringgin ang preliminary inquiry sa June 27, 2016, alas-2 ng hapon upang marinig ang panig nito bilang due process.
   
Sa report din na nakuha ni Vijandre, walang record na may professional driver’s license ang suspek, kaya fake ang driver’s license na gamit nito.
   
Ipinatawag din ng LTFRB ang kanyang operator upang tanungin kung bakit pinayagan itong magmaneho gayung fake ang driver’s license nito.
   
Nagsasagawa na ng hakbang ang LTFRB upang maiwasan ang mga ganitong kabastusan ng mga PUV driver.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.