Bakit Tayo Nagkakasala?

 

May tinatawag na ‘original sin,’ o ang kauna-unahang kasalanan. Bukod ito sa sinasabi ng mga Katoliko na ‘mortal sin’ at ‘venial sin.’ May kasalanan na namana pa natin sa ating mga unang ninuno. Sa Genesis 3:1-6 ay matutunghayan natin kung ano ang mga katangian ng kasalanang ito.

 

Ang unang katangian ng ‘original sin’ ay ang kawalan ng pasalamat sa mga ibinigay na ng Diyos sa tao.

 

Sa Genesis 3, malinaw na magkasalungat ang pahayag ng ahas na bawal kumain ng anumang bungang-kahoy sa pahayag ng Diyos na maaaring kainin ang alinmang bungang-kahoy.

 

Sa kabila ng malinaw na pahayag na ito, mas nangibabaw kay Eva ang negatibong dating ng pain ng ahas. Higit pa rito, na-exaggerate pa ni Eva ang pahayag.

 

Kaya ang naging sagot nya sa ahas ay ganito: “Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami.” Pansinin na dinagdagan ni Eva ang bigat ng pagbabawal sa punong iyon. Wala namang sinabi ang Diyos na huwag hipuin ito. Mukhang nakatuon talaga ang isip ni Eva sa kaisa-isang puno na ipinagbabawal.

 

Madalas, ganito ang tao. Sa halip na magpasalamat sa dinami-dami ng mga pagpapala sa ating paligid, masama ang loob natin at nakatuon tayo sa bagay na wala sa atin. Nawawala sa atin ang pagpapasalamat sa maraming bagay na ibinigay na sa atin dahil nakapako ang pansin natin sa kung ano ang kulang sa atin.

 

Ang pangalawang katangian ng ‘original sin’ ay ang pag-alis sa Diyos ng tanging karapatan na magsabi kung ano ang tama o mali.

 

Si Eva ay naharap sa dalawang klase ng awtoridad—ang sa Diyos na nagsabi na mamamatay sila kapag kumain ng ipinagbawal na bunga, at ang sa ahas na pinabulaanan ang pahayag ng Diyos. Dinagdagan pa ang pagbuyo ng ahas ng ganito: “Hindi kayo mamamatay... at kayo’y magiging parang Diyos...”

 

Sa magkataliwas na pahayag ng dalawang awtoridad na ito kay Eva, pinili niya na paniwalaan ang sariling pagpapasiya. Ayon sa Genesis 3:6, tiningnan ni Eva ang kaakit-akit na punongkahoy at inakala niyang masarap ang bunga nito. Sa gayun, binuo niya sa kanyang isip na okay lang naman ang kumain ng bunga dahil sa dunong na idudulot nito sa kanya.

 

Simula nga noon, ang lahat ng tao ay nagkaroon ng ganitong pagtataas sa sarili. Ang tao ang humuhusga kung ano ang katotohanan at ano ang tama o mali. Halos hindi na sumasangguni ang tao sa Salita ng Diyos. Iniluluklok natin ang ating mga sarili bilang huling tagahatol sa kung ano ang tama at mali. Kaya sa huli ng kwento sa Genesis 3,  hinanap ng Diyos ang lalaki: “Saan ka naroon?” Ang tanong na ito ay hindi dahil sa hindi alam ng Diyos kung nasaan si Adan. Ito ay tinanong ng Diyos dahil alam niya na simula ng pagkakamaling iyon, ang tao ay wala na sa dapat nitong kalagyan. Wala na ito sa tamang lugar.

 

Tulad ni Eva, inaakala natin na sapat na ang ebidensiya ng ating pandama o ang nakikita ng ating mga mata o ang mga teknikalidad ng batas ng tao. Hindi natin kailangan ang iba pa na magsasabi sa atin kung ano ang tama o mali. Ang tao—at ang batas na ginawa ng tao lamang—ang makapangyayari sa pagpapasiya.

 

Sa ganang amin, ayon sa Genesis 3, alam na natin kung saan humantong ang pagmamataas at maling pag-aakala ng tao. Higit sa teknikalidad at ligalidad ng batas na nilikha ng tao, ang dapat na makapangyari ay ang batas ng langit. May tinatawag na ‘higher law’, at ito ang dapat sundan kapag nalilito tayo sa technicalities ng batas.

 

Sa lahat ng ating pagpapasiya, dapat mangibabaw, hindi lamang ang ating mga konsyensya na maaaring may bahid na rin ng ‘original sin.’, Dapat mangibabaw ang payak na Salita ng Diyos sa kung ano ang tama at maling pagpapasiya.

 

---------------------------------------------------

 

Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 




Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC