Tampulan ng tukso ang mga ‘under da saya’ sa ating lipunan. Gayundin, marami sa ating mga kananayan ang nagiging ‘Natay’ o Nanay na Tatay pa. Bukod sa pagiging nanay ng tahanan, pinapasan din nila ang responsibilidad nang pagpapakain sa pamilya na sana ay ginagampanan ng isang tatay. Sa panahon natin ngayon, parang tanggap na rin ang malaganap na kabadingan, lalo na sa mundo ng showbiz. Ano ba ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa ating pagkababae at pagkalalaki?
Sinasabi na tayo ay ginawa na babae at lalaki. Dalawa lang ang kasarian sa simula; walang alanganin. Kung sa ngayon, marami ang bading, ito ay bunga ng mga masasaklap na pangyayari simula nang magkasala ang tao. Hindi likas sa pagkakalikha ng tao ang third sex. Ito ang isang mahalagang kahulugan ng imahe ng Diyos sa tao ayon sa Genesis 1:27—ang pagiging babae at lalaki.
Sa simula, ang imahe ng pagkababae at pagkalalaki ay kapwa matatagpuan sa katauhan ng tao. Pansinin na sa ulat sa Genesis chapter 2, ang pangalan na ‘adam’ ay galing sa ‘adamah’ na ang ibig sabihin ay ‘lupa.’ At ito ay tumutukoy sa babae at lalaki. Walang pagkakahati ng kasarian. Sa Ingles, ang angkop na salin dito ay ‘humankind’ at hindi basta ‘man.’ Naging proper noun o pangngalang pantangi lamang ang salitang adam pagdating sa verse 20 ng Genesis 2.
Nang sinabi ng Diyos na “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong,” hindi inisip ng Diyos na bibigyan niya ng kasama ang lalaki lamang. Ang ibig sabihin ng Diyos ay bibigyan niya ng kasama ang tao, at sa gayon ay nilikha niya ito na babae at lalaki. Pinaghiwalay ang kasarian. Ang pagkalikha sa babae at lalaki ay para magkaroon ng katuwang ang isa’t isa. Dahil kapwa kailangan ng babae at lalaki ang katuwang, pinaghiwalay ang pagkababae at pagkalalaki na nung una ay kapwa nakapaloob sa iisang katauhan ng tao o ng adam. Kaya nagkaroon tayo ng sexual differentiation.
Pinatulog ng Diyos ang adam at hinugot ang isang tadyang nito. Mula sa tadyang ng adam ay ginawa ng Diyos ang isa pang tao. Nang hinugot ng Diyos ang isang tadyang ng adam, inihiwalay niya ang pagkababae sa adam at naiwan sa unang adam ang pagkalalake. Mula sa iisang adam, nagkaroon ng Eva at ng Adan.
Ito ang punto ng kwento. Hindi lang si Eva ang ginawa para kay Adan; ginawa rin si Adan para kay Eva. Nilikha sila para sa isa’t isa. Mula sa iisang tao, ginawa ng Diyos ang babae at ang lalaki upang maging magkatuwang.
Kaya’t ang lalaki ay nagbunyi, na sa wakas, may nilalang na kagaya niya: ‘laman ng aking laman, buto ng aking buto.’ Ang lalaki ay tinawag na ‘ish,’ ang babae ay ‘isha,’ isang pahiwatig na sila ay iisa at kailangan nila ang isa’t isa. Sa ating wika, ‘kabiyak ng puso’ ang tawag natin sa asawa. Ito ay tanda na sa ating kultura, alam natin ang konseptong ito. Kaya’t ipinagbubunyi natin ang ating ‘kabiyak’ sa Araw ng mga Puso.
Sa ganang amin, malinaw na ang sexual differentiation na ginawa ng Diyos ay dalawang kategorya lamang—lalaki at babae. Subalit kung nais natin na maging tunay na imahe ng Maylikha, tama lamang na may nasasalamin na pagkababae at pagkalalaki sa ating katauhan, sa ating mga tahanan at maging sa ating lipunan.
Ngunit huwag natin ipagkamali ito sa pagiging gay o lesbian. Ang ibig sabihin lamang nito ay dapat balanse ang pagkakaroon ng lalaki at ng babae sa isang grupo. Hindi maaaring puro lalaki lang o panay babae lang. Ang elemento ng ‘maleness’ at ‘femaleness’ ay dapat nakikita sa ating pamumuhay bilang pamilya, simbahan o kapatiran at sa lahat ng ating ginagawa.
----------------------------------------------------------
Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .
Published : Saturday May 19, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo
“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more
Published : Saturday May 12, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 198
By : Melba Padilla Maggay
TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more
Published : Saturday April 28, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo
“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more
Published : Saturday April 21, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo
AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more
Published : Saturday April 14, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay
PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more