Madalas tayong magreklamo sa klase ng pamamahala sa atin. Maging sa organisasyon man ito, sa negosyo o sa gobyerno. Palaging ang management o administrasyon ang may kasalanan kapag may mga bagay na hindi naisasaayos. Ngunit, ayon sa Salita ng Diyos, lahat tayo ay may pananagutan na ayusin ang dapat ayusin. Lalo na kung nasa ating mga kamay ang kapangyarihan na bigyan ito ng solusyon.
Noong nagpasya ang Tatlong Persona ng Diyos na gumawa ng tao, nilayon na ang pangunahing pagkakahawig ng tao sa Diyos, ay ang kakayahan ng tao na mamahala sa buong sangkalikhaan. Ang tao ay pinaka-katulad ng Diyos sa kapangyarihan nito na bigyang anyo ang kalikasan. Isinasalarawan ng tao ang isang mahalagang katangian ng Diyos sa pagiging malikhain nito sa pangangasiwa ng sangkalikhaan.
Ang utos na mamahala ay para sa lahat ng tao. Iniatang ito sa babae at sa lalaki. Ito ang ikalawang bahagi ng tinatawag na ‘Cultural Mandate’ – ang pagyamanin at pangalagaan ang sangkalikhaan.
Bukod sa utos na lumago, ang tao ay inatasan din na pagyamanin ang lupang pinaglagyan sa atin. Ang unang tao ay may gawain, kahit na nuong siya ay nasa paraiso pa lamang. Inakala natin na ang pagtatrabaho ay pahirap na bunga ng pagkahulog ng tao sa kasalanan. Hindi ganun. Ang pagtatrabaho ay sadyang bahagi ng pagkakagawa sa atin. Layunin talaga ito ng Diyos para sa atin. Ito rin ang dahilan kung bakit kapag wala tayong trabaho, nakakaramdam tayo ng panliliit ng sarili, at ng matinding kawalan ng saysay at direksyon sa buhay. Sapagkat hindi tayo nilalang upang magpakatamad.
Sa Genesis 1:26, ginamit ang salitang Hebreo na ‘radah’ para sa pakahulugan na ‘mamahala’ o ‘pamahalaan.’ Samantala, sa Genesis 1:28, ginamit naman ang ‘kabas’ na ang pakahulugan ay ‘yurakan’ o ‘tapak-tapakan.’ Ang ibig sabihin nito, ang pamamahala ay nangangailangan ng lakas at pagbabanat ng buto. Nuon pa man, ang pagsasaayos ng mayabong na kalikasan ay nangangailangan ng lakas at pagpapawis.
Hindi madaling gawain ang mamahala. Ngunit binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan upang isagawa ito. Lahat tayo ay may kakayahang maging katiwala o lider ng isang sambahayan o organisasyon.
Sa ganang amin, malinaw na ang pamamahala na iniatang sa atin ng Diyos ay hindi lamang pamamahala sa ating kalikasan at mga tahanan. Gayundin, sa pag-usbong ng mga komunidad at kultura, inaasahan din na mapapamahalaan natin nang masinop ang ating lipunan. Kaya hinihikayat namin kayo na makiisa sa pagmamasid sa mga nangyayari sa ating lipunan. At kung kinakailangan nating kumilos upang masiguro ang kaayusan ng ating lipunan, huwag tayong mag-atubili na tumalima sa utos ng Diyos sa atin na pamahalaan nang maayos ang ating nasasakupan.
-------------------------------------------------
Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .
Published : Saturday May 19, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo
“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more
Published : Saturday May 12, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 198
By : Melba Padilla Maggay
TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more
Published : Saturday April 28, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo
“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more
Published : Saturday April 21, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo
AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more
Published : Saturday April 14, 2012 | Category : Sa Ganang Amin | Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay
PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more