Tampok na Nilalang

 

Kung tayo ay mahirap o mababa ang lagay sa lipunan, kung minsan ay nanliliit tayo na mapasama sa mga mas nakaka-angat sa atin. Nag-aalangan tayo na makipag-usap o makisalamuha sa kanila.

 

Ngunit ayon sa Salita ng Diyos, hindi tayo dapat manliit. Pagkat ang lahat ng tao ay ginawa na kawangis ng Diyos.

 

Ano ang ibig sabihin nito?

 

Balikan natin kung paano ginawa ng Diyos ang tao. Di tulad ng mga naunang nilikha ng Diyos, ang pagkalalang sa tao ay pinag-usap-usapan muna ng Tatlong Persona ng Diyos. Hindi lamang basta binigkas o sinalita ng Diyos ang pagkakalikha sa tao, gaya ng ginawa Niya sa buong sangkalikhaan. Sa halip, pinagpulungan ng Tatlong Persona ng Diyos ang pagkalikha sa tao. At hindi lang ‘yon. Nilayon din ng Diyos na tao ang mamamahala sa mga isda, ibon at lahat ng hayop na nasa lupa.

 

Sa lahat ng nilalang, ang tao lamang ang hinirang na maging kahalintulad ng Diyos. Totoo na may bahagi sa ating pagkatao na tulad ng kalikasan – hinubog ang tao mula sa alabok. Gaya rin ng lahat ng hayop sa lupa, kailangan tayong kumain, matulog, mag-asawa at magsabog ng binhi upang magkaroon ng susunod na henerasyon. Gayundin, ang tao ay mamamatay at babalik sa alabok na pinanggalingan nito. Ngunit may natatanging elemento ang pagkakagawa sa tao: binahaginan tayo ng Diyos ng buhay na mula sa kanyang hininga.

 

Sa orihinal na Greek, sinasabi na ang ‘paghinga’ ng Diyos sa hinubog na lupa ay maihahalintulad sa pagyakap ng isang nagmamahal na nagbabahagi ng kanyang pagkatao. Dahil sa hiningang ito, nabigyan ng buhay na kakaiba ang tao. Hindi ito ang hininga na nalalagot kapag namamatay ang isang hayop. Ito ay ang ‘breath of life’ o hininga ng buhay na hindi lamang nagpapagalaw kundi nagpapasigla rin sa atin kapag tayo ay gumagawa ng mga bagay na umaayon sa ating pagkakahawig sa Diyos. Tulad ng kakayahang mag-isip, magmahal, magsakripisyo para sa iba, managutan sa kapwa at mangarap para sa kinabukasan.

 

Sa ganang amin, ito rin ang dahilan kung bakit may tinatawag na ‘human rights’ o kaparapatang pantao. Dahil tayo ay ginawa sa imahe ng Diyos, ang pagyurak sa dangal o pagkitil  ng buhay ng isang tao ay malaking kasalanan sa Manlilikha na lumalang sa atin nang buong pagmamahal at pagtatangi.

 

Ayon sa datos na nakalap ng grupong Karapatan mula January 21, 2001 hanggang January 30, 2010,  ang bilang ng Violation of Civil and Political Rights sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Arroyo ay umabot sa 1,206 na mga extrajudicial, summary and arbitrary executions. Meron din 206 na enforced or involuntary disappearance, 1,099 na kaso ng torture, 2,059 ang illegal arrests, 30,119 na physical assault and injuries, at 81,835 na kaso ng threat, harassment and intimidation, at iba pang paglabag sa karapatan ng tao. Sa madaling salita, ang mga violation of rights na nabanggit ay malinaw na paglabag, hindi lamang sa batas, kundi sa kalooban ng Diyos na pahalagahan ang tao na kanyang tanging likha. Kaya dapat lamang na mabigyan ng hustisya ang mga taong nalabag ang karapatan mabuhay ng maayos at walang takot sa ating lipunan.

 

------------------------------------------------------

 

Ang editoryal na ito ay mula sa panulat ni Melba Padilla Maggay, Ph.D. para sa Sa Ganang Amin. Ang Sa Ganang Amin ay kalipunan ng mga editoryal ng ISACC. Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng People’s Tonight, DZAS at AP Media. Para sa inyong komentaryo, maaaring mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

 




Sa Ganang Amin

Delicadeza

Published : Saturday May 19, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 258
By : Maria Fabella Fajardo

“BAKIT ako nag-resign? Para ipakita na buhay pa ang delicadeza ng pulitika sa Pilipinas.” Iyan ang sabi ng resigned senator na si  Juan Miguel Zubiri sa ulat ni Val Balita ng ABS-CBN News nu’ng Abril 27, 2012. Sa darating na Martes, Mayo 22, siguradong tututukan ng buong bansa, at maging... Read more

‘Patawarin kami sa aming mga utang’

Published : Saturday May 12, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 198
By : Melba Padilla Maggay

TAMA ang pakiwari ng ating kultura na ang hindi nagbabayad ng utang ay balasubas. Ngunit paano kung ang utang ay sobra-sobra na ang interes? Paano kung ang isang tao ay sadyang walang-wala at kailangan talagang umutang ngunit alam nating hindi ito mababayaran? Sa Banal na Kasulatan, karamihan ng mga katuruan... Read more

Kailangan ko ng ID

Published : Saturday April 28, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 623
By : Maria Fabella Fajardo

“ANNOUNCEMENT: Pres. Noy2x & Pres. Obama of USA apprvd 150 milion dollar budget for d UNIFIED MULTI SSS ID SYSTEM (666), DZRH reported! Nag start na! Biochips einject sa right hand or forhead ng tao w/c they call lyftime savngs and U.S. nxt is d Phil. Dami ngpatatak accordng to... Read more

Ang Butil ng Bigas ay Butil ng Buhay

Published : Saturday April 21, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 465
By : Maria Fabella Fajardo

AYON sa International Rice Research Institute (IRRI), 300,000 tonelada ng kanin ang nasasayang taun-taon sa konsumo ng Pilipinas. Ito ay umaabot sa 36% ng inangkat na bigas nung nakaraang taon. Dagdag pa sa ulat na ito, ang mga nasa middle-class ang malakas na magsayang ng bigas. Bago natapos ang taong... Read more

Sa Pagtatagpo ng Habag at Katarungan

Published : Saturday April 14, 2012   |  Category : Sa Ganang Amin   |  Views : 553
By : Dr. Melba Padilla Maggay

PAANO paninindigan ang katarungan habang pinaiiral din ang habag? Nitong nakaraang linggo ay inalala natin ang pagkamatay at pagkakapako ni Kristo sa krus. Namalas natin na kahit nuon pa man, ang katarungan ay nababaluktot kapag may mga opisyal na katulad ni Poncio Pilato na naghuhugas na lamang ng kamay at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC